Lider ng NPA dedo sa ambush
MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang lider ng New People’s Army (NPA) matapos itong pagbabarilin sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur.
Ang nasawi ay kinilalang si Raymart Arnado alyas “Ka Kiram”, isa sa mga lider ng NPA Guerilla Front 51 na nag-ooperate sa North Cotabato at Davao del Sur.
Batay sa ulat, sakay si Arnado sa kanyang motorsiklo galing sa isang barangay sa Santa Cruz, Davao del Sur at pauwi na sana ng North Cotabato nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek.
Nabatid na si Arnado ay pamangkin ni Pedro Arnado, chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o (KMP) Southern Mindanao region.
- Latest