^

PSN Showbiz

Richard Gutierrez ayaw nang magtrabaho bagong talent ni Annabelle Rama ayaw maka-level si Ellen Adarna

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Three-picture contract ang pinirmahan ni Paolo Ballesteros sa Regal Films kamakalawa ng gabi, at kasabay na rin nito ay inabot na nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang bonggang bonus sa kanila ni Joji Dingcong dahil sa box-office success ng Die Beautiful.

Touched naman si Paolo sa naturang bonus dahil pandagdag din ito sa gastos para sa malaking bahay na ipinatatayo niya sa Antipolo.

Excited ang EB Dabarkad sa bahay niya dahil ito raw ang dream niya para sa kanyang pamilya.

“Tatlong floors po ito eh. Kasi gusto ko po dun ang family ko. Sa ground floor dun sila, may mga rooms sila dun.

“Sa second floor ang pinaka-main kitchen namin and receiving area, at sa third floor ‘yun ang kuwarto ko at ang anak ko,” pahayag ni Paolo.

Target daw nila na sa susunod na buwan ay matapos na ito. Kaya todo ka­yod pa siya dahil marami pa siyang gagastusan sa finishing touches nito.

PAK: Diretso at may katarayan ang bagong talent ni Tita Annabelle Rama at Viva na si Kara Mitzki dahil wala siyang pakialam na pinatutsadahan si Ellen Adarna na ikinukumpara sa kanya.

Sabi kasi ni Tita Annabelle, nang makita niya si Kara ay nakikita niyang puwede nitong tapatan ang kaseksihan ni Ellen.

Pero sabi ni Kara hindi lang naman daw kaseksihan ang dapat ipagmalaki kundi talent din.

Sabi ng 24-year-old sexy singer, “Mas focus talaga ako sa talent eh.

‘Yung beauty kasi at kaseksihan bonus na lang ‘yun.

“Mas nag-focus talaga ako sa talent. Kasi ang pag­huhubad, hindi naman po talent.”

Tingin daw niya mas sexy siya kay Ellen dahil may ipinagmamalaki siyang talent sa pagkanta, “Saka dapat po yung image natin ‘yung nakaka-inspire po sa mga kabataan.

“Unang-una, hindi po ako lasengga. Hindi ako nagbibisyo, hindi ako nagyoyosi, hindi po ako nagda-drugs,” dagdag niyang pahayag na obviously ah may patutsada kay Ellen.

Mapapatunayan ni Kara ang galing niya sa pagkanta sa nalalapit niyang concert sa April 8 na 56K with Kara and Khel na gaganapin sa Music Museum kasama si Michael Pangilinan.

Special guest nila rito sina Vice Ganda, Sam Mangubat, at Duncan Ramos.

BOOM: Aminado rin si Anabelle Rama na nanghihinayang siya dahil matagal-tagal ding natengga sa trabaho sa TV at pelikula si Richard Gutierrez.

Pero wala raw siyang magagawa dahil namimili talaga ngayon ang kanyang anak sa gusto nitong gawing project.

Meron nga raw offer ang ABS-CBN 2 pero ang anak niya ang pinapag-decide niya kung tatanggapin ito o hindi.

Binabasa raw muna ni Richard ang script, at gusto niya sanang gawin ang isang proyektong hindi pa niya nagagawa noon.

“Sabi niya sa akin kasi, ‘pag wala naman magandang offer, huwag na lang. Kung may magandang offer na hindi pa niya nagawa noon…sabi niya ‘Mommy kung offer-an ka ng ganyan ganyan, parang napaka-trying hard ko naman.

“Kung wala ka na sana… eh nasa taas pa naman ako. Hindi ako umalis na parang pa-extra extra lang.

“Nanghinayang ako kasi ang kumisyon ‘di ba?” natatawang pahayag ni Bisaya.

Madatung naman daw si Richard at kaya niya kahit wala pa siyang trabaho sa ngayon.

Proud din si Tita Annabelle sa bagong health and wellness business ni Ruffa Gutierrez na umaabot na raw sa ibang Asian countries at sa Middle East.

Ang laki raw nang kinikita ni Ruffa at pati nga raw siya ay nagtatrabaho na rin sa kanyang anak.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with