^

Bansa

Kudeta sa LP ‘niluto’ sa bahay ni Pacquiao

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa bahay ni Sen. Manny Pacquiao sa Makati City nangyari ang usapan tungkol sa reorganisasyon sa Senado na nagresulta sa pagpapatalsik ng mga senador na kasapi ng Liberal Party sa mayorya.

Ayon kay Pacquiao, nasa 16 senador ang dumalo sa meeting kung saan tinalakay nila ang trabaho sa Senado na mas mapapabilis kung matutukoy kung sino talaga ang dapat nasa mayorya at sino ang nasa minorya.

Kamakalawa ay tinanggal ng 17 senador bilang Senate President-Pro Tempore si Sen. Franklin Drilon at inalis bilang pinuno ng mga komite sina Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Itinanggi rin ni Pacquiao na may kinalaman si Pangulong Duterte sa nangyaring reorganisasyon sa Senado.

“Walang kinalaman dito ang Pangulo. Hindi tayo makakagawa ng trabaho dito sa Senado kung hindi natin gaganunin…Nandito tayo para magtrabaho para sa taumbayan, hindi yung puro porma-porma tayo, pamumulitika. Gawa tayo ng trabaho dito, hindi yung dalhin natin yung pulitika ito,” sabi ni Pacquiao.

Idinagdag ni Pacquiao na pakiramdam umano nila ay “pinapaikutan” sila ng mga hindi naman dapat kasama sa mayorya.

Samantala, nahalal kahapon bilang Senate minority leader si Drilon. Itinalaga naman ni Drilon si Sen. Bam Aquino bilang kanyang assistant minority leader.

Nagpadala rin ng sulat kahapon si Sen. Leila de Lima kay Pimentel upang ipaalam na pormal siyang nagwi-withdraw sa mayor­ya at sumasapi na sa minorya.

Sa ngayon ang mga kasapi ng minorya sa Senado ay sina Drilon, Aquino, Senators Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, de Lima, at Antonio Trillanes.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with