^

Police Metro

MMDA night shift enforcers binuwag

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binuwag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ‘Takipsilim enforcers’ o mga ‘night-shift duty’ na enforcers dahil sa isyu ng pango­ngotong tuwing gabi.

Kinumpirma ni Bong Nebrija, Operations chief ng MMDA na binuwag na ang tinatawag nilang ‘Takipsilim enforcers’ habang binawasan na rin nila ng puwersa ang mga tauhan na itinatalaga ng night shift o mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

Ito ay makaraan ang sunud-sunod na sumbong ng pangongotong ng ilang tiwaling tauhan na nagmo-moonlight sa pangongotong tuwing gabi na target ang mga biyaherong trak.  May ulat sila na kahit P200 ay hindi pinalalagpas umano ng mga tiwaling enforcers.

Mula 700 night shift na tauhan, ibinaba na lamang nila sa kalahati o 350 ang mga enforcers na mag-iikot sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila kapag gabi.

Una nang inamin ng MMDA na marami nang tauhan nila ang nadismis sa serbisyo dahil sa isyu ng pangongotong. 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with