^

Pang Movies

Ticket sa sinehan ibinaba...Vic at Vice sure na sa MMFF, Dennis, Julia/Maricel, Aga, makikipagsalpukan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ticket sa sinehan ibinaba...Vic at Vice sure na sa MMFF, Dennis, Julia/Maricel, Aga, makikipagsalpukan!

Pasok na ang tambalan nina Vic Sotto at Vice Ganda na The Greatest Showdown – na ididirek ni Jun Robles Lana under ABS-CBN Films, IdeaFirst Company, APT Entertainment at MZet Productions.

Ikaapat ito sa inanunsyong unang batch ng official entries sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF 2026). Sorpresang umapir sa announcement of nominees ang bida nitong sina Vice at Vic.

Kabilang din sa unang batch ng official entries ang 2nd Miracle in Cell No. 7 starring Aga Muhlach, Amir (Dennis Trillo) at Haunted Carnival (Julia Barretto, James Reid, Fyang Smith and Maricel Soriano) under Regal Films.

Inanunsyo rin ni MMDA and MMFF Chairman Attorney Armando Artes na P299 ang mga tiket sa lahat ng sinehan ngayong taon. Pwede raw bumaba pa depende sa mga producer pero hindi pwedeng taasan sa P299.

Ang Mandaluyong, San Juan at sa kauna-unahang pagkakataon, Bacolod ang host cities nito.

Ahh nabitin naman ang fans nina Dingdong Dantes and Marian Rivera na hindi nakasama sa naunang official entries ang pelikula nilang ginagawa, ang Remember.

Sa Quebec, Canada pa sila nag-taping.

Ang pelikula ay joint production ng Star Cinema, APT Entertainment, AgostoDos Pictures at Regal Entertainment under the direction of Mae Cruz Alviar, na siyang namahala sa kanilang blockbuster hit na Rewind – isa sa mga pelikulang Pilipino na may pinakamalaking kinita sa kasaysayan.

Bukod sa Remember, marami pang ibang pelikulang nag-uumpisa na maihabol sa finished product category.

Tuwing MMFF na lang talaga malaki ang kinikita ng mga pelikulang ipinalalabas sa sinehan kaya maraming producer ang nagdarasal na mapili sila.

MMFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with