^

PSN Showbiz

Toni at Piolo tuloy na ang reunion

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang gumawa muli ng pelikula si Toni Gonzaga ngayong taon. Magsisilbing reunion movie nila ni Piolo Pascual ang pinaghahandaang proyekto ng aktres.

Kahapon ay ginanap na ang story conference para rito. “Wala siya sa plano, basta nabuo na lang siya and nakakatuwa, si Piolo ang makakasama ko rito and si Direk Joyce Bernal ang gagawa nito,” bungad ni Toni.

Matatandaang sa Starting Over Again pa huling nakatambal ng aktres si Piolo. Tumabo nang husto sa takilya ang nasabing pelikula. Ayon kay Toni ay ibang-iba ang tema ng kanilang bagong gagawin ng aktor.

“Ibang-iba ito. Mahirap i-explain. Basta malayo ito sa last na ginawa namin,” giit ni Toni.

May ilang mga konsiderasyon ngayon ang aktres sa shooting ng pelikula dahil nagbe-breastfeed sa anak nila ni Paul Soriano na si Severiano Elliot.

Aiko hindi na kinakausap ni Jomari

Masayang-masaya si Aiko Melendez dahil nakasama siya sa teleseryeng Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Matagal na raw pinapangarap ni Aiko na makatrabaho si Maja kaya malaki ang pasasalamat ng aktres sa bida ng serye.

“Thank you, baby girl. The feeling is mutual. I’ve always wanted to work with her because I’ve always believed that in her generation right now, she’s one of the best,” nakangiting pahayag ni Aiko.

Samantala, naibahagi ng aktres kung paano ang relasyon nila ng anak na si Andrei Yllana sa dating asawa na si Jomari Yllana. “Sila ni Andre, kahit paano they talk. Kami naman ni Jom, kahit paano hindi kami nag-uusap. Ganyan naman siya, may mga sapi siya. Ayaw niya akong kausapin,” makahulugang kwento ng aktres.

May bulung-bulungan na pinagseselosan diumano ng kasintahan ngayon ni Jomari si Aiko. “Huwag n’yo akong pagselosan. I’ve heard about it but I don’t know if it’s true. If it’s true, this is the time that I’ll assure her, of all people, it’s not me. It shouldn’t be me,” giit ni Aiko.

Matatandaang pinag-usapan kamakailan sa social media ang larawan ng aktres na naka-bikini sa beach. Sinadya raw ni Aiko na manggulat sa netizens noon.

“I just woke up one day that I wanted to shock the people and I wanted to check myself on picture if I look good. Because for the longest time, I was on the heavy side. So no’ng nakapa ko na, uy! Nagkakabewang na ako, tingnan ko nga, ayan!” pagbabahagi ng aktres.

Kahit may ilang mga bumatikos sa nasabing larawan ng aktres ay nananatili raw na positibo ang pananaw ni Aiko tungkol dito.

“Huwag nila akong i-follow. More than the bad comments, mas madami naman ‘yung naka-appreciate ng effort ko. Hindi biro magpapayat, hindi talaga. ‘Yung mga nagsasabi na ang dali, ‘yung makapag-bash lang sa IG (Instagram), kayo kaya pumunta sa katawan ko, ang hirap ‘di ba,” paliwanag ng aktres.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with