Akyat-bahay utas sa pamamaril
February 10, 2017 | 12:00am
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines - Bulagta ang 40-anyos na lalaki na sinasabing miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Genaro Extension, Barangay DS Garcia sa Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Nabatid sa imbestigasyon na naglalakad ang biktimang si Ramon de Jesus nang biglang lapitan at ratratin. Nang masigurong hindi na humihinga ang biktima ay agad na tumakas ang gunmen patungo sa direksyong timog.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended