^

Punto Mo

Gamugamo na animo’y may blond na buhok, ipinangalan kay US President Donald Trump

FUNFARE - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bagong tuklas na gamugamo na may kulay gintong kaliskis sa ulo ang ipinangalan sa bagong luklok na US President na si Donald Trump.

Magkahawig kasi ang sikat na hairdo ni Trump at ang kulay ginto na kaliskis sa ulo ng gamugamo na aakalaing blond na buhok.

Bilang parangal ay binigyan ang bagong tuklas na gamugamo ng scientific name na Neopalpa donaldtrumpi na hinango mula sa pangalan ng bagong US President.

Natuklasan ng biologist na si Vazrick Nazari ang gamugamo na matatagpuan sa California at sa ilang bahagi ng Mexico.

Siya rin ang nagpangalan sa gamugamo at ayon sa kanya ay pinili niyang ipangalan ito kay Trump hindi lang dahil sa pagkakahawig ng itsura nito sa buhok ng US President kundi para na rin mabigyan ng pansin ang nauubos nang tirahan ng mga ito.

Hindi lamang si Trump ang US President na pinaghanguan ng pangalan ng isang bagong tuklas na hayop.

Nito lamang isang buwan ay ipinangalan kay Barack Obama ang isang bagong tuklas na uri ng isda sa Hawaii bilang parangal sa kanyang mga nagawa para proteksyunan ang tirahan nito.

vuukle comment

DONALD TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with