^

PSN Showbiz

Mas mabuti pa ang aso aktor? walang ambisyon, napakatamad

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nang magsabog ang kapalaran ng husay sa pagsasalita ay gising na gising ang isang kilalang male personality. At hindi lang siya basta gising na gising, sinipag pa siyang tanggalan ng bubong ang kanyang bahay, kaya lahat ay nasalo niya.

Sa galing maglitanya ng aktor ay pasado siyang maging creative consultant ng mga network. Matalino siya, napakakulay ng kanyang imahinasyon, kakabugin ng male personality ang magagaling na scriptwriters ng pelikula at mga serye sa telebisyon.

Pero lahat ng mga nagiging karelasyon ng aktor ay isa lang ang sinasabi, hanggang du’n lang naman siya, magaling lang ang kanyang bokadura pero kapos na kapos siya sa aksiyon.

Sabi ng isang aktres na nakarelasyon ng kilalang male personality, “He loves talking, lalo na kapag humaharap siya sa mga camera. Gustung-gusto niya ‘yun, para siyang nasa cloud nine kapag nagsasalita na siya infront of the cameras.”

Kuwento naman ng isa pang naging girlfriend ng aktor, “Naku, hanggang kuda lang naman ang mokong na ‘yun! Pero kumustahin mo naman siya sa maghapon. Palagi lang siyang tulog!

“Aalis ka nang tulog pa siya, tapos ka nang magtrabaho sa buong araw hanggang gabi, tulog pa rin siya! Naku, napakatamad niya, sa interview lang siya magaling!”

Kaya naman wala siyang nagtatagal na karelasyon, sa mga unang buwan lang sila sweet-sweetan, pero pagkatapos ay iniiwan na rin siya.

Konklusyon ng isang source, “Mabuti pa nga ang alagang aso at marunong sumalubong, marunong magtanggal ng stress, pero ang lalaking ‘yun? Sleeping beauty lang talaga siya, napakatamad, walang ambisyon!”

Ubos!

Claudine sagad ang galit kay Raymart!

Kahit naman sinong magulang ay siguradong aalsa kapag sinaktan ang kanyang anak. Lalo na kung walang kalaban-laban ang bata, sinong ina ang basta mananahimik na lang, giyera mundial ang kalalabasan nu’n.

Sampung taon lang si Santino, anak nina Raymart Santiago at Claudine Barretto, sariwa pa at wala pang kalaban-laban ang mga buto ng bagets lalo na kung ang mananakit sa kanya ay may matitigas nang buto.

‘Yun ang ikinagagalit ngayon ni Claudine, sinaktan si Santino ng isang taong dapat ay hindi pumapatol sa bata, sa tema ng pagsasalita ng aktres ay kamag-anak ni Raymart ang nanakit sa kanilang anak.

Si Claudine ay parang kapanganganak na tigre pagdating kina Sabina at Santino. Huwag na huwag mong sasaktan-pipintasan ang kanyang mga anak dahil siguradong makikita mo ang ayaw mong makita sa tanang buhay mo.

Katwiran ni Claudine ay sino pa ba ang magtatanggol sa kanyang mga anak, siya lang ang mag-isang kasama ng magkapatid, paminsan-minsan lang naman nilang nakikita-nakakasama si Raymart.

Isinasama ni Claudine sina Sabina at Santino kahit saan siya magpunta, ramdam ng mga nakakakita sa mag-iina ang ibinibigay na proteksiyon ng aktres sa magkapatid, kaya hindi na nakabibigla ang mga sinasabi niya ngayong nasaktan ang kanyang anak.

Hinahamon ngayon ni Claudine si Raymart para umaksiyon, sana raw naman ay kumilos ang aktor bilang depensa sa nasaktan nilang anak, paminsan-minsan man lang daw sana ay manindigan naman ang aktor para sa kapakanan ng kanilang supling.

Nagpupuyos sa galit ngayon si Claudine at mukhang makararating sa korte ang kaganapang ito. Si Claudine Barretto pa naman, saktan mo na siya at makakaya pa niyang palampasin ‘yun, pero huwag na huwag mong kakantiin sina Sabina at Santino dahil siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with