Kerwin posibleng sa NBI ikulong
MANILA, Philippines - Maaaring sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) mapunta si Kerwin Espinosa, ang itunuturong drug lord sa Eastern Visayas at anak ng napaslang na si Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nasabi na rin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng sa NBI na lang si Kerwin Espinosa idetine sa halip na sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame upang maiwas sa pagdududa.
Ito’y dahil sa kinukuwestiyon ang naging operasyon ng PNP-CIDG sa Region 8, nang mapatay si Mayor Espinosa .
Nagpadala na rin ng liham ang justice secretary kay PNP Chief Director General Ronaldo ‘Bato’ Dela Rosa subalit wala pa itong sagot hinggil dito.
Posibleng bago pa si Kerwin mapunta sa kustodiya ng NBI, maaaring idiretso muna siya sa Camp Crame mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
- Latest