^

Bansa

‘Kill Digong’ plot suspek, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumuko sa mga awtoridad ang isang negosyante na suspek sa umano’y kill plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Bacolod City, Negros Occidental.

Batay sa ulat, ang suspek na si Bryan Ta-ala ay sumurender kay Chief Insp. Jovil Sedel, hepe ng Bacolod City Police Station 6 sa tulong ng kaniyang legal counsel na si Atty. Leon Moya Jr. sa kasong illegal possession of firearms.

Dakong alas-9:30 ng umaga nang sumurender si Ta-ala sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Bacolod City Regional Trial Court Branch 54 Judge Eduardo Sayson noong Nobyembre 2 kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

Magugunita na si Ta-ala ay sugatang nasakote ng mga awtoridad at ang kanang kamay nitong si Wilford Palma sa operasyon sa Brgy. Tangub, Bacolod City nitong Agosto 6 pero dahil sugatan ang una ay isinugod ito sa pagamutan at si Palma lamang ang naiharap ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa press briefing sa Camp Crame.

Ibinulgar naman ni dela Rosa base sa tactical interrogation kay Palma na ang mga n­akumpiskang kahon-kahon na mga smuggled parts ng baril galing sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng P4.5 M ay gagamitin umano ng gun running syndicates sa kill plot laban kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Palma, na­rinig umano niya ang kanyang boss at isang kli­yente na nag-uusap tungkol sa pag-assemble ng mga armas na gagamitin sa pagpatay sa Pangulo.

Pinabulaanan naman ni Moya ang akusasyon laban sa kanyang kli­yente na nag-uugnay dito sa umano’y kill plot kay Duterte na isa an­yang “malaking kasinu­ngalingan”.

Ayon kay Moya, si Ta-ala ay masugid na tagasuporta ni Duterte at ginamit pa umano ang personal na pera nito para ikampanya si Duterte sa Negros Occidental noong May elections.

Nang hingan naman ng paliwanag kung bakit kinailangan pang sumuko ni Ta-ala gayong nauna na itong nasakote ng pulisya, sinabi ni PNP-CIDG spokesperson Supt. Elizabeth Jasmin na nakakuha ng ‘release order’ si Ta-ala galing sa korte na iprinisinta ng abogado nito kaya pansamantalang nawalan ng hurisdiksyon sa negosyante ang CIDG Bacolod City operatives.

Nabatid pa na nagpiyansa ng P200,000 si Ta-ala noong Set­yembre 8 sa kasong gun smuggling kaya ito nakalaya.

Inihayag pa ng opis­yal na si Ta-ala ay sumuko sa kasong illegal possession of firearms matapos na mag-isyu ng panibagong warrant of arrest laban dito ang korte. (May ulat ni Gilbert Bayoran)

vuukle comment

PANGULONG RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with