^

Punto Mo

Cha-cha, dapat madaliin

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SA June 30, 2016 ng tanghali ay tapos na ang termino ni President Noynoy Aquino at ang uupo naman ay si president elect Rody Duterte.

Mayorya ng mga Pilipino ang may malaking pag-asa na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang buhay ang pagpasok ng bagong administrasyon.

At isa sa nakikitang magpapabago sa kabuhayan ng mga Pilipino ay ang pagbabago sa sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-amyenda o pagbabago na mismo ng ating Saligang Batas.

Hindi na bago sa mga bansa ang mag-amyenda o magpalit ng Saligang Batas kung ito naman ay para sa ikabubuti ng lahat.

Maging ang mga pinakamayamang bansa ay nag-amyenda sa Saligang Batas nila upang makasabay sa pagbabago ng  teknolohiya at kaganapan sa buong mundo.

Kaya naman dapat madaliin ng Duterte administration ang pagsusulong ng Charter change (Cha-cha) habang ang mayorya ng mga Pilipino ay lubos na naniniwala sa kredebilidad ng bagong presidente.

Isa sa inaabangan ng lahat ay ang pagbabago ng sistema sa gobyerno mula sa kasalukuyang presidential tungo sa federalism na pinaniniwalaang ito na ang matagal ng sagot para umangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Walang dapat na aksayahin ng oras ang Duterte administration lalo pa’t may nabuong super majority sa dalawang kapulungan ng Kongreso na isang malaking bentahe upang maisulong ang mga panukala ng administrasyong Duterte.

Kung magpapatumpik-tumpik pa ay baka matabunan ang usapin ng federalism sa mga posibleng kontrobersiya o isyu laban sa administrasyon.

Habang ang sambayanang Pilipino ay nakatunganga at nag-aabang sa mga gagawing pagbabago at pagtupad sa mga pangako ng bagong administrasyon, agad nang isabay ang amyenda sa Konstitusyon.

vuukle comment

2016 MISS PHILIPPINES EARTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with