^

Kutob

Mahal ko siya pero ‘di niya ako mahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello, Dr. Love! Sana’y datnan ka ng sulat kong ito na mabuti ang kalagayan.  Tawagin mo na lang akong Ms. Zenith, 19 anyos.

Marami akong suitors pero wala akong magustuhan ni isa sa kanila. Mayroon talaga akong nagugustuhan mula pa noong elementarya ako hanggang ngayon, pero hindi naman nagpaparamdam.

Marami rin akong crush pero panandalian lang hindi kagaya ng feelings ko para sa lalaking gusto ko na ayaw naman akong pansinin.

Gumagawa ako ng mga paraan para mapansin niya pero wa epek. So I decided na sulatan siya kahit na nahihiya ako. Sinagot niya ang sulat ko at sinabi niya na may gusto rin siya sa akin kaya naman tuwang-tuwa ako.

Pero nahihiya akong humarap sa kanya, kaya sa sulat na lang kami nag-uusap. Kapag may mga kasama siyang babae, nanlulumo ako at nawawalan ng pag-asa. Pagkatapos noon ay iniiwasan ko na siya dahil kung talagang mahal niya ako ay gagawa siya ng paraan. Pero wala e. Kinausap ko siya at tinanong ko kung wala ba talaga siyang gusto sa akin.

Hindi siya nakaimik kaya inisip ko na pinaglalaruan lang niya siguro ako.

Sinabi ko sa kanya na friends na lang kami kahit masakit iyon sa akin. Pero tiniis ko iyon para sa kanya.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya malimutan. Sana ay mapayuhan ninyo ako dahil hirap na hirap na ako.

Ms. Zenith

 

Dear Ms. Zenith,

Marahil nga ay totoong mahal mo siya dahil sa tagal na nakatatak siya sa puso mo.

Ngunit kung hindi niya matutumbasan ang damdamin mo sa kanya, hindi mo dapat ipilit ang sarili mo.

Nakikita ko sa kababata mong iyan (base sa iyong salaysay) na may paggalang siya sa iyo. Marahil, pinahahalagahan niya ang matagal na ninyong friendship. Kung hindi, matagal na siyang nag-take advantage sa iyo. For that alone, dapat kang magpasalamat.

Ituloy ninyo ang pagiging good friends. Bata pa kayo kapwa. Who knows, baka dumating din ang araw na mahalin ka rin niya. Pero huwag kang lubhang umasa at igala mo ang iyong paningin. I’m sure, may ibang lalaki riyan na magmamahal sa iyo at mamahalin mo rin.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with