^

Pang Movies

Prince ipina-tattoo ang amang si Michael Jackson sa binti

SO... CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bilang tribute sa kanyang yumaong ama, ang King of Pop na si Michael Jackson, nagpalagay ng tattoo si Prince Jackson at ipinost niya ito sa Instagram.

Sa likod ng kanang binti ipina-tattoo ng 20-year-old ang kanyang ama na si Michael na suot ay black and red outfit at nakataas pareho ang mga kamay doing his signature dance moves.

May angel wings din na nakalagay sa mga braso ni Jackson at naroon din ang sparkly gloves at pixie dust sa may paa.

Inabot ng higit na siyam na oras ang pag-tattoo ng image na ito sa binti ni Prince.

“Thanks @dermagraphink for sittin 9hrs with me for such an incredible and beautiful tattoo. I will be posting more of this,” post pa ni Prince.

Kapwa sila nagpalagay ng tattoo ng kapatid niyang si Paris Jackson.

Si Paris naman ay nagpa-tattoo ng handwriting ng kanyang ama na “Queen of my heart” na isa sa cover art ng 1991 album nito na Dangerous.

Nagpa-tattoo rin sila ni Prince ng matching Yin and Yang ankle tattoos.

“Sometimes I feel like my big brother and I always think the same thoughts.

“He just doesn’t have a filter and always vocalizes them. Though total opposites, like my gooko and I, the inseparable yin and yang work together finding and causing balance within each other. Matchies with my bestie @princejackson!” post pa ni Paris sa Instagram.

LJ hindi pinagdadamutan ng oras ng asawa

Open pa rin daw si LJ Moreno na tumanggap ng trabaho sa showbiz, pero mas nagiging priority na niya ang kanyang pamilya, pati na ang negosyo nila na Lollicakes.

Marami raw offers na tinanggihan si LJ dahil hindi na niya kaya ang magpuyat sa set isang teleserye. Hindi na raw kasi siya sanay na magtrabaho hanggang madaling-araw.

“Iba na rin kasi ang takbo ng katawan natin. Matagal na akong hindi gumawa ng teleserye. I think ‘yung huli was sa ABS-CBN 2 pa, ‘yung Nasaan Ka Maruja? That was 2009 pa.

“So eight years na akong hindi nakakaranas ng puyat at pamorningan sa taping.

“Happy naman ako doing shows like MomBiz na ginagawa ko for Colours Channel. Kasama ko rito si Danica Sotto-Pringis.

“Before this, magkasama kami sa Happy Wife, Happy Life ng TV5.

“So mas okey na ang ganitong work for me kasi it’s not stressful tulad ng teleserye.

“Mas gusto ko ito na may time ka for being in showbiz, pero may time ka pa rin with your family and other things pa,” diin pa ni LJ.

Nagtutulungan nga raw si LJ at kanyang mister na si Jimmy Alapag sa kanyang Lollicake business. At the same time, nagku-coach naman si Jimmy ng mga batang mahilig sa basketball.

“Jimmy is also an assistant coach sa dati niyang team na Talk N’ Text. He retired na kasi last year.

“Sometimes, ‘yung ginagawa niya ngayon ay nawawalan din siya ng time para sa amin.

“But I understand kasi kahit na he doesn’t play for a team na, he shares what he has learned sa iba.

“Kapag may free time naman siya, magkasama kami at ang mga bata.

“Bumabawi naman siya parati sa amin.

“Thankful lang ako because maganda ang samahan namin bilang mag-asawa and we have God as our foundation in everything,” pagtapos pa ni LJ Moreno-Alapag.

vuukle comment

MICHAEL JACKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with