^

PSN Showbiz

Dating sexy actress hindi mabubuhay na walang salamin!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang mga kuwentong pinagbibidahan ng isang dating sexy actress. Impernes, sumikat siya nu’ng kanyang kapanahunan, nagbida siya sa maraming pelikula at maraming kalalakihang nagkagustong makasama siya sa magdamag kahit sa panaginip at ilusyon lang.

Hubog-bote naman kasi ang kanyang katawan, maganda rin siya at hindi puro sabaw lang ang laman ng kanyang ulo, matalino ang nagpapaseksing aktres.

Pero sa paglipas ng panahon ay ibang putahe naman ang nauso, bumaba ang popularidad ng sexy actress, kaya pumasok na lang siya sa negosyo.

Ngayon ay paminsan-minsan siyang napapanood sa telebisyon, maganda pa rin siya, pero ang kanyang katawan na naging pambenta niya nu’n ay lumaki na.

Nakakatawa lang ang mga kuwento tungkol sa pagiging vain ng aktres. Sobra-sobra ang pagiging banidosa niya, kaya bago siya sumalang sa harap ng mga camera ay matagal pa niyang tinititigan sa salamin ang hitsura niya, nagiging cause of delay ‘yun ng produksiyon.

“Puwedeng mawala ang kahit ano sa kanya, pero hinding-hindi ang salamin. Titig na titig siya sa hitsura niya, naghihintay na ang mga kaeksena niya, pero wala siyang pakialam!

“Parang mine-memorize niya ang face niya, hinahanapan niya ng mali, samantalang maganda naman ang make-up niya. ‘Yun ang problema sa kanya ng production, sobrang vain ang babaeng ‘yun!” kuwento ng isang source.

Bukod sa pag-aartistang binalikan niya ay abala rin ngayon ang magandang aktres sa mga malakihang pagtitipon. Sumisigaw siya, nagtataas ng kamao, sumasama siya sa malawakang pagkilos ng ating mga kababayan ngayon.

“At siyempre, ang vain, e, vain. Ang taong banidosa, e, walang pinipiling lugar. Bago siya magpa-interview sa mga nandu’ng reporters, e, kailangan muna niyang magsalamin nang wagas na wagas!

“Pulbos siya nang pulbos, bonggang-bongga na naman niyang mine-memorize ang face niya, kaya ang tagal-tagal na naghihintay ang mga reporters sa kanya!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Very-very vain talaga siya!” nakataas ang kilay na kuwento ng impormante.

Ubos!

Pagtatakwil kay Kris ng Dos malaking palaisipan pa rin

Ilang tulog na lang at mapapanood na ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino. Madalas nang ipinalalabas ang teaser ng Trip Ni Kris sa GMA-7.

Sa April 9 na ang pagpapalabas ng kanyang bagong programa, Linggo nang gabi na, harinawang hintayin ng ating mga kababayan ang bagong show ni Kris.

Kung kapasidad ang pag-uusapan ay isandaang porsiyentong maitatawid ni Kris ang programa, kayang-kaya niyang gawing interesante ang lahat ng bagay sa mundo, ‘yun ang meron siya na kapos ang ibang hosts.

Pero nahihinaan ang marami sa kanyang promo, parang kulang na kulang pa raw ng ingay ang kanyang pagbabalik, ang hinahanap siguro ng iba ay ang tindi ng tutok na dati niyang natitikman sa ABS-CBN.

Malaki ang pagkakaiba ng sitwasyon niya ngayon kesa sa dati. Station produced ang mga shows niya sa Dos, blocktimer naman ang programa niya sa Siyete ngayon, kaya limitado lang ang kanyang promo sa istasyon.

Ang importante ay makababalik na uli si Kris sa gitna ng aksiyon pagkatapos nang mahigit na isang taon. Napakatagal nu’n para sa isang Kris Aquino na itinuring na posteng artista nu’n ng ABS-CBN. Hindi pa regular na mapapanood ang Trip Ni Kris, paminsan-minsan lang, pero ang mahalaga ay natutukan na uli ng mga camera ang TV host.

‘Yun ang matagal na niyang ipinagdarasal, ang sana’y makabalik na siya sa mainstream, nakakapagtaka lang talaga kung bakit pinagsaraduhan siya ng pintuan ng Dos.

May mga nagtangkang mamagitan sa kanya at sa network, baka nga naman sakaling maplantsa ang gusot sa kanilang pagitan, pero wala ring nangyari.

Kaya ang tanong ng bayan ay ano nga kaya ang matinding pagkakamali na nagawa ni Kris Aquino para siya tiisin at tikisin ng istasyong siya dati ang nagrereyna-renahan?

Napakalaking palaisipan nu’n.

vuukle comment

SEXY ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with