^

Bansa

TESDA may skills training sa kaanak ng mga nasawing sundalo at pulis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay ng libreng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga kaanak ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nasawi sa operasyon.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ang pagbibigay ng skills training sa mga kaanak ng mga nasa­wing sundalo at pulis ay dahil na rin sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa Comprehensive Social Benefits Program (CSBP) para sa AFP at PNP personnel.

Bukod sa mga be­neficiaries ng mga tinatawag na Killed-in-Action/Killed-in-Police-Operation (KIA/KIPO) ng AFP at PNP ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga Wounded-in-Action/Wounded-in-Police O­peration (WIA-WIPO) na pulis at sundalo na magkaroon ng skills training na magmumula sa TESDA.

Base sa alituntu­nin ng CSBP, kabilang sa mga benepisyong makukuha ng mga pulis at sundalo ay ang Special Financial Assistance (SFA) na ibibigay nang  dalawang magkasunod. Ang una dito ay ang P250,000 para sa KIA/KIPO habang P100,000 naman sa WIA/WIPO.

Upang makuha naman ang nalalabing P250,000 para sa KIA/KIPO at P150,000 para sa WIA/WIPO ay kinakailangang kumpletuhin ng beni­pisyaryo ang financial literacy training ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), entrepreneurship training mula sa DTI at skills training galing sa TESDA.

vuukle comment

TESDA MAY SKILLS TRAINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with