^

Kutob

Marso 3, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hangad ko ang pagpapala ng Maykapal, kaya magsisikap akong maparangal siya sa lahat ng aking gawain.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ilalaan mo ang iyong atensyon sa taong mas nanga­ngailangan kaysa sa iyo. Magkakaroon ka ng maraming katanungan tungkol sa problema ng puso, personal man o sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 37, 39 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Paglaanan mo ng pansin ang mga bagay-bagay na mangyayari sa kapaligiran. Dahil may mapupulot kang magandang ideya na makakadagdag sa iyong kikitain. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 35, 42 at aquamarine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magkakaroon ng hidwaan sa isa sa mga kasambahay, kaibigan o kasamahan sa trabaho. Limutin ang nakaraan at harapin ang kinakaharap para umunlad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 33 at lavender.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Marami kang pakikitunguhang mga taga-suporta sa pulitika o sa propesyon. Magkakaroon ka ng panibagong pag-ibig  ngunit dapat mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 28, 31 at midnight blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Balansehin ang oras sa mga kaibigan at minamahal. Maglaan pa ng dagdag na oras para matapos ang nasimulan. May kakaiba sa iyo sa araw na ito, na mapapansin ng mga kasamahan, kasambahay o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 35, 38, 41 at mustard yellow.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Mapagkakakitaan ang mga bagay na itinabi mo noon kung ibebenta mo ngayon. Tatamarin kang makipagkita sa isang katagpuan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 30, 37 at ruby red.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Sisipagin kang mag-ayos ng mga kagamitan sa bahay o pinapasukan. Magkikita kayo ng iyong minamahal sa araw na ito. Mapapalusot mo ang ginawang kasalanan dahil may mahahagilap kang magandang katuwiran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 10, 35 at emerald green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matatapos na rin ang iyong problema na may kinalaman sa kalusugan. Makakatanggap ka ng dagdag na proposisyon galing sa itaas. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 32, 38 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Susuportahan ka ng mga kaibigan sa bagong larangan ng negosyo. Mapapawi na rin ang pag-aalala na matagal mo nang dinadala dahil sa wakas ay matutuloy na rin ang matagal nang plano. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 20, 43 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maiiwasan mo ang isang delikadong libangan na magsasalba sa iyo sa kapahamakan. Mapapasakamay mo na ang matagal nang hina­hangad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 30, 44 at fushia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Masisiguro sa iyo na isang kasosyo na uubra ang iyong hinihiling. Huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga hindi karapat-dapat. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 21, 33 at violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Karapatan mong alamin ang hangarin ng iniibig kung bukal sa puso o mapagsasamantalahan ka lang. Kakapusin ka ng pera sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 23, 39 at platinum pink.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with