^

Metro

Palaboy na lolo may dalang P1.5-M cash

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakauwi na sa kanyang pamilya ang isang 91-anyos na lolo, na unang natagpuan­ ng mga concerned citizen na pagala-gala sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) habang may dala-dalang P1.5 milyong cash sa Barangay Barangka Ilaya, Mandalu­yong City kamakalawa ng hapon.

Lumilitaw sa ulat ng Ma­daluyong City Police na da­kong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang mapansin ng mga nagrorondang pulis at mga opisyal na Barangay Barangka Ilaya na nagkakagulo ang ilang tao sa EDSA kaya’t tiningnan ito at nakita ang lolo na pagala-gala sa lugar at may dalang mga salaping piso at dolyar, na ang iba ay hawak-hawak­ lamang nito, habang ang iba naman ay nakalagay sa mga bulsa ng kanyang pan­talon.

Dinala ang lolo sa po­lice­ station upang makuha ang­­ pagkakakilanlan nito at nang bilangin nila ang dalang pera ay natukoy na may dala itong 300 piraso ng 50 at 100 dollar bills na kung pagsasamahin sa piso ay aabot ng P1.3 milyon habang ang peso bills naman na tig-P500 at P1,000 denominasyon, ay nasa kabuuang P276,000.

Kuwento ng lolo na hindi pinangalanan para sa kanyang proteksyon at pamilya na pupusta sana siya sa sa­bong kaya may dalang maraming pera ngunit hindi nakarating sa pupuntahan ngunit may ilang kuwento uma­no ang matanda na hindi magkakatugma.

Nakilala ang matanda sa dala niyang lisensya at senior citizen ID, na nagresulta rin para makontak ng mga otoridad ang isang anak ng matanda sa Pasig at kaagad itong naibalik nang makapagpakita ng mga patunay na anak siya.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with