^

Pang Movies

Baka naman mag-divorce agad, AlDub sinagad na agad sa kasal ang love team

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Baka naman mag-divorce agad, AlDub sinagad na agad sa kasal ang love team
Alden Richards at Maine Mendoza

Hindi sana namin papansinin ang subject na iyon kung wala lang nagtanong. Ang tanong sa amin, “ano po ang masasabi ninyo sa kasal ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza?”

Una, liwanagin natin na hindi naman isang totoong kasal iyon. Eksena lamang iyon sa kanilang Kalyeserye segment ng Eat Bulaga. Ang lahat ng iyon ay “make believe” lamang. Ibig sabihin, walang naging commitment. Bagama’t kung ang simbahan ang tatanungin, wala iyan sa papeles o sa kung ano man kundi nasa dalawang taong nagkakasundo na sila ay magsasama bilang mag-asawa, wala pa ring commitment ang napanood ninyo, dahil ni hindi nga tunay na pangalan ni Alden ang ginamit. Ang announcement ay “Mr., and Mrs. Richards”. At ang tunay na apelyido naman ni Alden ay Faulkerson.

Definitely, kung ang talagang intention, at sa tingin naman namin ay iyon nga, ay pakiligin pa ang fans sa kanilang love team at nagtagumpay naman sila. Pero napansin din namin na parang mas pinag-usapan at kontrobersiyal ang unang meeting nila noon, noong magkaroon pa sila ng concert na tinawag nilang Tamang Panahon, kaysa sa naging kasal-kasalan nila ngayon. Indikasyon din iyan na medyo bumababa na nga ang kanilang popularidad. Aba eh wala ka ba namang makita araw-araw kundi iyon eh, puwede ka bang hindi rin magsawa?

Ang tanong pa namin, ano pa ang magagawa nila sa love team nila ngayong ikinasal na? Hindi kaya kasunod ay mag-divorce naman sila?

Rodjun napapansin dahil sa katawan

Natawa kami sa isang obserbasyong aming narinig. Ang sabi kasi, mukhang mas napapansin pa raw si Rodjun Cruz tuwing lumalabas sa Encantadia kahit na ang role lamang niya ay nagiging warrior kung nasa panganib na ang original character na si Pao Pao. 

Sabi nila, parang mas nakakatawag daw ng pansin ang costume ni Rodjun dahil sexy pa nga ang dating, hindi kagaya ng ibang mandirigma sa kuwento. Ang explanation naman kasi roon, si Pao Pao ay may isang brilyante rin, kagaya ng mga sang’gre na nakalabas din ang pusod sa kanilang costume.

Pero hindi na dapat gawing issue iyon. Talaga namang malakas ang presence lagi ni Rodjun. Sayang nga lang at hindi siya nabibigyan ng mas malala­king roles. Baka naman ngayon mapansin na nilang malakas nga ang batak niya.

James ayaw ng publicity ni Kris

Napansin ba ninyo, walang picture na kasama si James Yap ng supposed to be ay bisitahin ng dati niyang asawang si Kris Aquino at anak na si Bimby, ang kanyang anak sa girlfriend na si Michela Cazzola?

Kung sa bagay, hindi naman kasi kailangan ni James ng publisidad, at wala naman siyang mapapala kung may picture man siyang lumabas kaugnay noon.

 

vuukle comment

ALDUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with