^

Pang Movies

Luis at Jessy mahigpit ang hawakan Matteo hindi mabitbit si Sarah sa sosyalan Angelica at Maja nganga kay John Lloyd

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Luis at Jessy mahigpit ang hawakan Matteo hindi mabitbit si Sarah sa sosyalan Angelica at Maja nganga kay John Lloyd
Luis Manzano at Jessy Mendiola

Walang maintrigang pangyayari sa 10th Star Magic Ball noong Sabado ng gabi na ginanap sa isang 5-star hotel.

Last year kasi, kung maalala, ‘yun yung time na dinala sa presinto si Billy Crawford nang masangkot sa isang rambulan.

Sa mga nakaraang taon, meron ding awayan sina Coco Martin, Matteo Guidicelli over Maja Salvador at iba pa.

This year, parang tahimik pero bakit kaya may lumutang na may nakaaway daw si Jake Cuenca bago pa man magsimula ang ball kaya hindi na ito naki-party? May isang actor din daw na nagwala nang malasing.

Anyway, naiuwi ni Liza Soberano ang Best Dressed Award at si Zanjoe Marudo ang kanyang male counterpart.

Sina  Sofia Andres and Diego Loyzaga ang Couple of the Night at Stars of the Night  sina ABS-CBN chief content officer Charo Santos and ABS-CBN chair Gabby Lopez III. 

Gawa ng designer na si Michael Cinco ang isinu­ot na gown ni Liza at kasama raw siyang nag-isip ng design nito. Ka-date of course ni Liza si Enique Gil na parang pumayat na.

Si Zanjoe ay dateless. Ang ex niyang si Bea Alonzo ay ang nakabalikang boyfriend na si Gerald Anderson na ang escort. Si Angelica Panganiban din ay dateless dahil si Madam Charo Santos ang sinamahan ni John Lloyd Cruz. Nauna nang itinanggi ni Angelica na nagkabalikan sila ng actor.

Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola naman ay hindi na makakatanggi sa kanilang relasyon nang duma­ting sa ball. Mahigpit na ang mga hawakan nila.

At kung nakakasama man ni Matteo ang girlfriend na si Sarah Geronimo sa iba’t ibang mga lakaran, hindi naman niya ito mabitbit sa Star Magic Ball. Dumating ang actor na walang kasama.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANSANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with