^

Pang Movies

Nadine sa Korea magdiriwang ng birthday kasama si James!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Nadine sa Korea magdiriwang ng birthday kasama si James!
Nadine Lustre at James Reid

Last year ay sa South Korea nag-celebrate si Nadine Lustre ng kanyang birthday and Haloween na rin (her natal day is Oct. 31). Hindi pa niya boyfriend noon si James Reid kaya ang kanyang BFF na si Yassi Pressman ang kasama niya.

For her birthday this year, sa SK ulit magdiriwang ng kaarawan si Nadine but this time ay si James na ang kanyang kasama, of course.

Ayon kay Nadine, nag-enjoy daw siya sa Haloween sa Korea kaya gusto niyang bumalik.

Last Oct. 11 naman ay ipinagdiwang ng JaDine ang kanilang monthsary at simpleng dinner lang daw ang kanilang selebrasyon.

“We ate sushi. It was super-simple lang, shopping and then had dinner, had sushi for dinner,” say ni Nadine in a recent interview.

Bagama’t naka-concentrate ang magka-love team sa serye nilang Till I Met You, nakakatuwa na may time pa rin sila to spend some time together outside work.

Bakit Lahat… lumakas sa takilya

Nitong nakaraang weekend ay lumakas sa takilya ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! starring Anne Curtis, Paolo Ballesteros, and Dennis Trillo under Viva Films and IdeaFirsts kaya masaya ang mga producers.

Word of mouth ang isa sa mga naging sandata para pag-interesan ng manonood ang pelikula na idinirek ni Jun Lana.

Nataon naman kasi sa super-typhoon Lawin ang showing nito last Wednesday kaya maraming natakot dumagsa sa mga sinehan.

Pero dahil aliw ang pelikula, kumalat ang balita. Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Bakit ng Gwapo May Boyfriend?!

Sa pelikula, “cover girl” ng mga klosetang bakla and karakter ni Anne na si Kylie. Feeling niya, isinumpa siya ng langit dahil lahat ng minahal at naging BF niya, bakla.

Sina Will Devaughn at Prince Stefan ang ilan sa lumabas na ex ni Anne.

Ang ikatlo niyang ex, si Benj, ginampanan naman ni Paolo. Later on, naging mag-bestfriend sila at business partners pa.

Napakarami nilang kwela at baliw-baliwan moments together. Sa totoo lang, bagay na bagay silang mag-bestie.

Si Dennis naman ay gumaganap na Diego, ang high school at forever crush ni Benj na bumalik mula sa Amerika para magpakasal sa girlfriend na ginagampanan ni Yam Concepcion.

Kukunin ni Diego ang serbisyo nina Kylie at Benj para maging wedding coordinator hanggang sa unti-unti ay mahuhulog ang loob niya kay Kylie na nagdududa ring bading si Benj.

Bukod sa showing sa ‘Pinas nationwide, magkakaroon din ng international screenings ang movie soon.

Dingdong ipagdarasal si Mark

Suportadung-suportado ni Dingdong Dantes ang war on drugs na ginagawa ng ating gobyerno at sana nga raw, bilang citizens, we should do our part.

“Basta ang end point dito, we should all support the war on drugs because it’s really a menace to society. Ako, mayroon akong mga kaibigan na personal na kilala ko na talagang nasira dahil diyan (sa drugs). It’s really something that I despise.

“So, para sa akin, kailangan, we should all be vigilant and maging kakampi tayo and we should do our part in preventing ‘yung ganun’g klaseng kasamaan na mamayagpag sa society.

“Even as citizens, we should do our part at ‘yun ay siguro, ang pagiging responsableng mamamayan, pagpa-participate sa ating community. Kapag alam nating may mali,” pahayag ni Dingdong.

Tungkol naman sa kapwa Kapuso actor na si Mark Anthony Fernandez na kasalukuyang nakakulong dahil nahulihan ng marijuana, ayon kay Dong, sana raw ay maging fair ang maging resolusyon sa kaso nito.

“Siyempre, nakakalungkot ‘yung nangyari sa kanya. ‘Yun ‘yung mga sitwasyon na wala ka nang magagawa. But I’m just hopeful na magkaroon ng fair resolution kung anuman ang kaso niya. Sa ngayon, ‘yun ang pupuwede kong ipagdasal para sa kanya,” pahayag pa ng bida ng Alyas Robin Hood.

 

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with