Bongbong handang maging miyembro ng gabinete ni Duterte
MANILA, Philippines - Bagama’t handa na sumama para maging miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay hindi pa rin nito iiwan ang electoral protest laban kay Vice-President Leni Robredo.
“If the President asks you to serve in whatever capacity hindi mo pupuwedeng tanggihan. Siyempre para sa bansa yan and of course I’d be happy, I’d be proud, I’d be honored to serve in any position in the Duterte administration,” wika ni Marcos sa interview sa Lubao, Pampanga kahapon.
Aminado naman si Marcos na hindi pa niya nakakausap si Pangulong Duterte sa loob ng ilang linggo.
Umugong na posibleng si Marcos ang italaga ni Duterte bilang kapalit ng sinibak nitong DILG Sec. Ismael “Mike” Sueno.
Pero, sa mga naunang panayam kay Duterte ay duda siyang tatanggapin ni Marcos ang DILG post dahil makakaapekto ito sa kanyang electoral protest.
Subalit, naniniwala naman si Marcos na sakaling tanggapin niya ang DILG portfolio ay hindi naman ito makakaapekto sa kanyang electoral protest laban kay Robredo
- Latest