^

Police Metro

Suspect sa QC road rage killing namataan sa Boracay

Ludy Bermudo, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Namataan umano ng mga nagmamalasakit na tao ang nagtatagong road rage suspek na si Fredison Atienza sa Boracay kaya’t humingi ng ayuda si QCPD Director P/ Chief Supt. Guillermo Lorenzo  Eleazar, sa Aklan police na bantayan ang entry at exit point ng paligid ng Boracay.

Ang suspek ay natukoy dahil sa plaka ng kanyang sasakyan na kung saan ay nakuha pa ang larawan nito sa isang social media site matapos na magtago nang barilin at mapatay ang nakaaway nito sa kalye na si Anthony Mendoza, noong Pebrero 25 sa kanto ng D. Tuazon St. Kinumpirma rin ng Aklan police na  dati na umanong naglalagi ang suspek sa Boracay kahit hindi pa nangyayari ang krimen.

Samantala, inilagay na rin ng Bureau of Immigration sa look out bulletin ang suspek matapos na magpalabas ng memo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre upang hindi makalabas ng bansa si Atienza.

Inaatasan ng DOJ ang mga immigration officer na nakatalaga sa mga international port na bantayan ang posibleng pagbiyahe sa labas ng bansa ni Atienza at sakaling mamataan sa immigration counter ng alinman sa mga international port sa bansa ay agad ipagbigay alam sa DOJ.

vuukle comment

FREDISON ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with