^

Bansa

Maulan sa Undas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makakaranas ng pag-ulan sa panahon ng Undas sa N?ovember 1 kayat dapat na magdala ng payong at iba pang pananggalang ang mga taong tutungo sa mga sementeryo para dalawin ang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon sa PAGASA, ang inaasahang pag-ulan sa All Souls day ay dulot ng epekto ng umiiral na Inter-tropical Convergence Zone (ITCZ) sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ang ITCZ ay isang malaking kumpol ng ulap na nag-iipon ng tubig na dahilan ng thunderstorms o kalat-kalat na pag-ulan at malaki ang tsansang mabuo bilang ganap na sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA).

Kapag nagkaroon ng LPA at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), magiging isa itong ganap na bagyo na tatawaging Maya.

Kahapon, maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila na may pag-uulan sa hapon at gabi at maaliwalas hanggang sa katamtaman naman ang alon sa mga karagatan.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with