Richardson umaasang mapapasama pa si Kayla sa SEAG
MANILA, Philippines - Umaasa ang coach at magulang ng Filipino-American sprinter na si Kayla Richardson na magbabago ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa naunang desisyon nito na siya ay tatanggalin sa national athletics team dahil sa hindi pagsipot sa nakalipas na 2017 National Open na ginanap sa Ilagan, Isabela.
Sa istoryang lumabas sa pinoyathletics.info mula kay track and field statistician at coach Andrew Pirie, sinabi ng ama ni Kayla na si Jeffrey Richardson na sana baguhin ni PATAFA president Philip Ella Juico ang desisyon nito dahil malaki ang pag-asa ng kanyang anak sa darating na 29th Southeast Asian Games na gaganapin ngayong Agosto 29 hanggang 31 sa Kuala Lumpur Malaysia.
“She (Kayla) is in very good shape. And I believe she can run sub-54 seconds by next week. The plan is to keep her running 400-m early, she won’t run a 100m until June in the Phlippines. I think its for a good cause, it will build her stamina and endurance and keep her eager and fresh to improve her 100m time,” sabi ni Jeffrey sa pinoyathletics.info.
Ang ina ng 14-anyos na si Kayla ay tubong Zamboanga City at ngayon ay naninirahan sa Los Angeles, California.
Matatandaan na nagwagi si Kayla Richardson sa 100m dash at silver medalist sa 200m dash nakaraang 2015 SEA Games na ginawa sa Singapore.
Ayon kay Pirie, ang batang Richardson ay may oras ng 54.06 segundo sa 400m run para lampasan ang dating 54.18 segundo na national record ni Fil-Canadian Zion Corrales-Nelson tatlong taon na ang nakaraan.
Ang bagong personal best ni Richardson ay mas malakas sa record ni Singapore SEAG bronze medallist Shereen Samson na 54.26 ng Malaysia, ayon kay Pirie.
Ngunit, hindi pinansin ni Juico ang panawagan ng ama ni Kayla at nanatiling sarado na kay Richardson ang pintuan para sa national athletics team.
“She wasn’t in the National Open, although she (Richardson) and her father-coach (Jeffrey) were aware at the get go of the importance of the event and it being a requirement for SEAG,” ani Juico.
- Latest