^

Punto Mo

Gawaan ng pekeng plaka, lisensiya, malapit sa LTO office!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang bahay na ilang hakbang lang ang layo sa tanggapan ng LTO ang sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Quezon City police.

Natuklasan na ito ay nagsisilbing   pagawaan ng pekeng plaka at mga driver’s license at iba pang dokumento.

Nasamsam sa raid  ang bulto ng mga pekeng plaka, lisensya at mga rehistro.

Mabuti na lamang at natunton ito, dahil ayon sa ulat, posibleng dito nagpapagawa ng mga pekeng plaka, lisensya at iba pang dokumento ang mga elementong kriminal.

Dalawang search warrant ang bitbit ng mga awtoridad sa isinagawang raid sa may Mapagmahal St., malapit sa Mabilis St., Brgy. Pinyahan.

Dalawa ang nadakip dito na kinilalang sina Cesario Endaya at Ian Tiansing.

Isinagawa ang operasyon sa lugar matapos nga na may makapagsumbong sa pulisya tungkol sa maraming mga fixers na nagpupunta sa lugar para magpagawa ng mga poekeng dokumento.

Malamang na dito rin kumukuha ng papeles ang mga masasamang elemento tulad ng carnapping group na  dito ipinapagawa ang mga papeles ng bagong plaka ang mga kinakarnap nilang sasakyan saka ibebenta.

Kailangang dapat itong mabusisi nang husto, at alamin kung sinong mga tauhan o opisyal kaya sa gobyerno o anumang sangay ng gobyerno ang sangkot dito.

Kasi hindi maglalakas loob ang mga ito kung sila-sila lang malamang may mga nagpoprotekta sa mga ito.

vuukle comment

GAWAAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with