^

PSN Showbiz

Aktres ginawang motel ang kwarto ng kaibigang aktres na kumupkop sa kanya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na pala nanumbalik ang tiwala ng ina ng isang pamosong aktres sa kanyang kaibigan na kinaawaan niyang patirahin sa kanyang bahay maraming taon na ang nakararaan.

Magkaibigan sina Actress A at Actress B. May magandang career si Actress A, pero si Actress B ay nangangapa pa lang nu’n kung ngingitian siya ng kapalaran o hindi, walang-wala pa ito nu’n kaya naawa sa kanya si Actress A.

Kuwento ng aming source, “Wala siyang pang-upa ng bahay, wala rin siyang panggastos kahit para man lang sa mga personal niyang needs, kaya pinatira siya ni ____(pangalan ni Actress A) nang libre sa bahay niya.

“Kontra ang mommy ni Actress A sa idea, pero nanalo pa rin si Actress A sa pagtatalo nilang mag-ina, pinatira niya si Actress B sa bahay niya. Natural, kahit wala sa bahay ng anak niya si mommy, e, pinakikibalitaan niya sa mga kasambahay ni Actress A kung ano ang nangyayari.

“Kagalit ni mommy, dahil nalaman niya na habang nasa shooting pala ang anak niya, e, nagpupunta naman sa bahay ni Actress A ang boyfriend ni Actress B!

“At ang nakakaloka pa, e, sa mismong bedroom ni Actress A nagbababad ang dalawa! Alangan namang nagbabasa lang sila ng komiks du’n, ‘di ba naman? Ay, nagalit si mommy!

“Tinawagan niya agad ang anak niya, pinauuwi niya para hulihin niya mismo ang friend niya habang nakikipagchurvahan sa kuwarto niya! Dyaraaaannnn!!!!

“Korek na korek ang chika ni mommy, nasa kuwarto nga niya ang da­lawa, gumagawa ng milagro habang nagtatrabaho siya! Huli sila sa akto! Ilang beses na pala nilang ginagawa ang ganu’n!

“Pinaalis ni Actress A si Actress B, matagal na panahon silang hindi nagkibuan, galit na galit naman ang mommy ni Actress A sa aktres na kung tawagin niya, e, asawa ng bayan,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris at mga anak sa Hawaii na titira?!

Iisa ang kuwento ng mga kababayan na­ting matagal nang naninirahan sa Hawaii. ‘Yun daw ang kuwentong pinagpipistahan du’n ng mga Pinoy sa halos lahat ng umpukan.

Sa ilang ulit na pagbabakasyon daw ni Kris Aquino sa Hawaii ay totoong nagpapahanap siya ng mabibiling bahay du’n para sa kanilang mag-iina. Una raw na nagpahanap si Kris sa Maui, sumunod ay sa Oahu, ang pinakahuli ay sa Big Island.

Ang hindi lang nila sigurado ay kung alin sa mga bahay sa tatlong lugar ang napili niya. Kung totoo ang kuwento, nu’n pa lang pala ay malakas na ang kutob ni Kris na wala na siyang babalikan sa ABS-CBN, pinaghandaan na pala niya nu’n pa ang maaaring kahinatnan ng career niya.

At ‘yun mismo ang nagaganap ngayon sa career ni Kris. Walang katiyakan, naunsiyami ang kanyang mga plano, balitang mangingibang-bansa na lang sila ngayon nina Josh at Bimby hanggang walang kasiguruhan ang kanyang karera.

Ito ang pinakamalayong senaryo na sasagi sa isip ng kahit sino. Puwedeng mangyari ang ganito sa kahit sinong personalidad, pero hindi puwedeng maganap kay Kris, dahil sa kanyang talento, kasikatan at kapangyarihan sa network na pinagtatrabahuhan niya nang dalawang dekada.

Pero wala ngang may-ari ng isang posisyon sa habampanahon, maraming nagbabago, hanggang sa ang nakaupo ay kailangan nang tumayo para tapusin ang kanyang termino.

Kapani-paniwala ang sinabi ni Kris na maraming gabi niyang iniyakan ang mala-impiyernong pangyayaring ito sa kanyang career. Baka nga kulang pa ang kanyang kuwento dahil puwedeng hinagulgulan niya ang naganap sa kanyang trabaho.

Para siyang nasa pinakamataas na palapag ng isang gusali na biglang itinulak sa basement. Reynang-reyna siya nu’n sa Dos pero bigla siyang pinagsaraduhan ng pintuan.

Aba, napakasakit nu’n para sa isang Kris Aquino, sobrang aray talaga ang nararamdaman ngayon ng tinguriang Queen Of All Media na anumang oras pala ay puwedeng bawian ng titulo.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with