^

PSN Showbiz

Maja insecure sa may mga degree!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja insecure sa may mga degree!
Maja Salvador

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas mula nang makapagtapos si Maja Salvador ng high school. Mula noon ay naging abala na ang aktres sa trabaho kaya hindi na naranasang makapag-aral ng kolehiyo. “Hindi talaga kasi kinaya ng schedule. Aaminin ko, malaki ang insecurities ko sa mga tao or mga teenager, mga estudyante or ka-age ko. Insecure ako sa mga friends ko na may degree. Tapos ako artista ako pero gusto ko magka-achievements pa. Ang sarap pakinggan no’n di ba? ‘Yung artista ako, may trabaho na ako at may degree pa ako,” pagtatapat ni Maja.

Ngayon ay ang dalaga na ang bagong ambassador ng AMA Online Education kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapag-enroll sa kolehiyo. “Siyempre ayoko naman tumanggap ng endorsement na hindi ko kayang panindigan. No’ng in-explain sa akin na lahat online mo gagawin. Mag-register ka, magbayad, magpasa ng mga requirements, agad-agad nakapag-register ako. Isa na akong college student so ang saya na kahit 28 years old ako eh talagang walang edad ngayon. Ang course ko ay Business Administration dahil meron akong mga investments din naman. May mga small business din tayo diyan na mga restaurant. Kulang ako sa experience or wala akong degree na mapag-aralan o magkaroon pa ng kaalaman sa kung paano mismo magpatakbo ng isang business talaga,” pagbabahagi ni Maja.

Hinihikayat din ng dalaga ang iba pang mga kasamahang artista na magpursigi upang makapagtapos ng pag-aaral. “Lagi kong sinasabi just always believe at si God ang gagawa ng lahat ng paraan to be with you sa lahat ng dreams mo. 28 years old na ako, lampas-lampas na but sa ngayon wala sa edad ‘yan. Kahit ano’ng edad mo pa, puwede ka na maka-graduate kahit saan pa,” pagtatapos ni Maja.

Zanjoe kinakapos ang oras para sa sarili

Magsasampung buwan nang hiwalay sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo at ayon sa aktor ay nai-enjoy niya ngayon ang pagiging single. Para kay Zanjoe ay maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula nang magkahiwalay sila ni Bea. “Ngayon ko lang na-realize na grabe, ‘yung time pala sa sarili mo minsan parang kulang pa. Ngayon ko lang nai-enjoy. Ang dami ko pa palang kailangang gawin para asikasuhin ang sarili ko. Doon ko naa-appreciate ang sarili,” makahulugang pahayag ni Zanjoe.

Ayon kay Zanjoe ay napaka-importante ang pagkakaroon ng ‘give and take’ sa isang relasyon. “Huwag mong isipin ‘yung sarili mo lang. Kasi partners kayo, hindi ba? Kasi dalawa na kayong nagpapatakbo ng relasyon, hindi na lang ikaw. Dapat intindihin mo rin ang partner mo kung ano’ng ayaw at gusto niya. Hindi pwedeng ikaw lang ang masusunod,” paliwanag ng binata.

Sa ngayon ay hindi pa rin nakahandang pumasok sa isang relasyon ang aktor. “Dapat hindi minamadali ang mga bagay. Feeling ko, hindi pa ako ready,” giit niya.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with