^

Probinsiya

Van vs trak: 2 utas

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Magkasunod na namatay ang driver at pahinante nito makaraang salpukin ng delivery van ang nakaparadang trak ng buhangin sa bypass road ng Barangay Sta. Clara sa bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang dalawa na sina Wilson Cruz, 35, drayber, ng Brgy. Bagong Barrio sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan; at Valeriano Ledesma, 19, pahinante, ng Brgy.Balasing sa nasabing bayang ito. Kalaboso naman ang drayber ng truck na si Henry Castillo, 29, ng Brgy. Sulucan sa bayan ng Angat, Bulacan. Ayon kay PO3 Ryan Marcelo, pahalang na nakaparada sa kalsada ang Isuzu 14 wheeler truck (RHR-585) ni Castillo nang salpukin ng van (CXS 697) nina Cruz at Ledesma. Nabagsakan naman sa dibdib si Ledesma ng lifted clip ng gulong.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with