^

PSN Showbiz

Marlon pumiyok na sa lagay ng relasyon nila ni Pia

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

“Nothing’s changed” ang caption ni Marlon Stockinger sa Instagram photo nila ng kanyang girlfriend, si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ang short but sweet caption ni Marlon ang pruweba na going strong ang relasyon nila ni Pia na ikinalungkot ng mga intrigera na umaasa na maghihiwalay ang dalawa dahil sa balita na siya ang tatay ng twin daughters ng model na si Kit Barraquias.

Matibay na matibay ang pagmamahalan nina Pia at Marlon kaya bigo ang detractors nila.

Hindi naman si Marlon ang nag-iisang lalaki na may mga anak sa pagkabinata.

Sa totoo lang, luma na ang isyu dahil hindi na ito pinag-uusapan. Ganyan naman ang mga tao, kapag alam na nila ang buong kuwento, naghahanap sila ng bagong tsismis at kontrobersya na pagpipistahan.

Nakatulong na hindi nagsalita sina Marlon at Pia noong kainitan ng isyu dahil kusa itong namatay.

Reaksyon ng lola sa break-up ni Charice inaabangan!

Hindi shocking ang balita na hiwalay na sina Charice Pempengco at Alyssa Quijano.

Sa umpisa pa lang ng relasyon nila, marami na ang nag-predict na hindi magtatagal ang kanilang pagsasama.

Nasaan na ang forever na sinasabi nina Charice at Alyssa? Mahirap talaga ang magsalita nang tapos. Kung ang mga mag-asawa nga na may mga anak, nagkakahiwalay, sina Charice at Alyssa pa kaya?

Kung may natuwa man sa paghihiwalay nina Charice at Alyssa, baka si Tess Relucio, ang lola ng singer na tutol sa girlfriend ng apo niya.

Noong nakaraang taon, parang basher na hinusgahan ng lola ni Charice si Alyssa. Masasakit na salita ang pinakawalan ni Tess laban kay Alyssa na tinawag niya na ganid kaya inaabangan ng madlang-bayan ang kanyang reaksyon sa break up ni Charice at ng dyowa nito.

Rich Asuncion ikakasal na sa rugby player

Maligaya si Yasmien Kurdi para sa kanyang kaibigan na si Rich Asuncion dahil ikakasal na ito sa boyfriend na si Benjamin Mudie.

May participation si Yasmien sa love affair nina Rich at Benjamin dahil siya ang nagpakilala sa dalawa sa premiere night ng Avengers movie noong 2015.

“Congrats Ben & Rich. Nagsimula sa blind date nu’ng niyaya namin sila manood ng Avengers, ngayon, ikakasal na sila. OMG! I’m super duper happy,” ang sey ni Yasmien tungkol sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng kanyang mga kaibigan.

Nag-celebrate ng second anniversary bilang boyfriend-girlfriend sina Rich at Benjamin noong Miyerkules, April 26.

Sa interbyu noon kay Rich, ikinuwento nito na “Una kaming nagkakilala sa premiere ng Avengers. After that, nasundan ng dates.

“From day one, okay kami. Parang tama lahat ng nangyayari. Basta, ang saya ko. ‘Yun lang. Lahat ng hiniling ko, lahat ng pinag-pray ko, nandiyan na.”

Starstruck contestant si Rich noong 2007 at batchmate siya ni Aljur Abrenica na naging boyfriend niya. Kung magiging wife na si Rich, tatay na si Aljur sa July dahil buntis ang girlfriend nito na si Kylie Padilla.

Concert ni Kenny G mapapanood din sa PPV

Ngayon ang second night ng limited-engagement ni Kenny G, ang record breaking, platinum-selling saxophonist, sa Newport Performing Arts Theater at the Marriott Resort World Hotel, Pasay City.

Ang Sanre Entertainment ang producer ng sold-out show ni Kenny G na nagsimula kagabi, April 27.

Sinabi ni Rene Walter ng Sanre Entertainment na mapapanood din sa lalong madaling panahon sa Pay-Per-View ang concert ni Kenny G na kasali sa listahan ng Who’s Who sa music world dahil nakatrabaho na niya sina Celine Dion, Frank Sinatra, George Benson, at ang ibang mga sikat na singer.

vuukle comment

MARLON STOCKINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with