John Lloyd at Sarah nangapa sa reunion!
Malapit nang mapanood ang reunion movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz dahil nagsu-shoot na sila ngayon. Ayon sa aktor ay muli silang nangapa ni Sarah sa mga eksena ng bagong pelikula dahil sa You Changed My Life pa noong 2009 sila huling nagkatambal ng aktres.
“Malaking pagbabago ‘yan. Para kasi kaming nangangapa ni Sarah. I mean it’s a reunion film sa amin ni Sarah, pero wala ‘yung isang partner in crime namin, wala si Direk Cathy (Garcia-Molina). Ibang-ibang experience naman ang nae-enjoy namin kay direk Ted Boborol,” bungad ni John Lloyd.
“Napakabago ng naibibigay at naibabahagi sa amin ni direk Ted kaya enjoy kami sa shoot. Hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga lumipas ang panahon ngayon pero siguro iba lang ang captain namin ngayon. Iba ‘yung style, iba rin ‘yung kumpas niya sa amin. So bagong-bago ang experience sa amin ni Sarah,” pagbabahagi ng aktor.
Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makagawa ng isang teleserye ni John Lloyd bago magtapos ang taon. “Alam n’yo, this is my last year sa contract ko. So gusto kong masulit ‘yung buong taon at gusto ko ma-prioritize kung ano man ang ipagkakatiwala sa atin ng management,” pagtatapos ni John Lloyd.
Xian gustung-gusto ang kanta ni Erik
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Xian Lim para sa kanyang pangalawang concert na may titulong Songs in the Key of X. Gaganapin sa July 15 sa The Theater ng Solaire ang nasabing concert ng aktor.
Ipamamalas daw ni Xian ang galing niya sa pagtugtog ng piano sa nalalapit na concert. “Definitely meron akong grand piano, it’s a must. I’ve been so passionate with the piano. Expect love songs. The whole concert is an extension of me. ‘Yung whole personality ko. I feel like same with last year. Gusto ko kasing magpakilala. I want this concert to be an intimate experience para mas makilala pa nila ako,” nakangiting pahayag ni Xian.
“So it’s safe to say na ‘yung line-up natin dito is all connected to my personal stories, my personal journey. ‘Yung mga songs na I grew up with,” dagdag pa niya.
Sobrang tutok si Xian sa kanyang concert magmula sa konsepto hanggang sa mga teknikal na aspeto nito. Ang aktor din ang personal na pipili sa kanyang magiging special guests sa concert. “Wala pa kaming final line up actually. Last year gustung-gusto ko si Erik (Santos) but he was actually out of the country. Kasi I had a piece prepared and meron akong isang sobrang favorite na kanta niya, My Love is Here. Gustung-guto ko ‘yun. KZ, huge idol,” pagbabahagi ni Xian.
- Latest























