^

PSN Showbiz

Anak ni Sharon sosyal pa rin kahit nakalimot sa lyrics

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Imposible nang magkaroon ng sequel ang television special ni Kris Aquino na Trip Ni Kris dahil sa kanyang akusasyon na delayed magbayad ang producer na si Rhodora Pascual Morales. Pinaratangan din ni Kris ng panggagamit si Morales at ang anak nito, si San Antonio, Nueva Ecija Councilor Renan Morales.

SCENE: May depensa ang mga supporter ng mag-inang Rhodora at Renan Morales. Walang dahilan para gamitin nina Rhodora at Renan ang isang celebrity na matamlay ngayon ang takbo ng career.

SEEN: Ang production number nina Sharon Cuneta at Frankie Pangilinan, Ogie at Leila Alcasid, Gary at Kiana Valenciano sa grand finals ng Your Face Sounds Familiar Kids noong Linggo. Nagkakaisa ang manonood na mas magaling pa rin ang mga magulang sa kanilang mga anak.

SCEN: Dapat iwasan ni Leila Alcasid ang magsuot ng mga bestida para hindi mahalata ang “prominent legs” niya.

SEEN: Medyo nakalimutan ni Frankie Pangilinan ang lyrics ng kanta nila ni Sharon Cuneta sa kanilang duet sa Your Face Sounds Familiar pero classy at confident  siya.

SCENE: Big winner si Awra Briguela sa Your Face Sounds Familiar Kids dahil sa boto ng texters. Nakatulong sa popularidad ni Awra ang exposure niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

SEEN: Bukas ang last telecast ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa ng GMA 7 na papalitan ng D’Originals sa April 17.

SCENE: Ang balita na hindi na mapapanood si Erwin Tulfo bilang anchor ng news program ng TV5 pero mapapakinggan pa rin siya sa radio program niya sa Radyo 5.

vuukle comment

SHARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with