^

Punto Mo

Expanded STL ng PCSO nakopo ng PMA Class ’82?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT silipin ni President Digong kung bakit pinapaboran ni Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Jose Jorge Corpuz ang mga miyembro ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class ’82 dito sa expanded Small Town Lottery (STL) ng PCSO. Sa ngayon kasi, nagyayabang ang mga PMA Class ’82 na kokopohin nila ang operation ng expanded STL sa Metro Manila, Calabarzon at Visayas. Halos retirado na sa serbisyo itong PMA Class ’82 at ang pinakahuling magretiro ay itong si Dep. Dir. Gen. Franciso Uyami nitong nakaraang buwan. Kaya’t parang ginawang negosyo ng PMA Class ’82 itong expanded STL at malaking bagay na classmate nila si Corpuz kaya pinapaboran sila, di ba mga kosa? Saan kaya kumuha ng pitsang pambayad nila sa Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR) at authorization fee ang PMA Class ’82? Sa retirement pay nila? Ano bali? Hehehe! Baka naman may nakuhang kapitalista ang PMA Class ’82 at ginamit lang ang relasyon nila kay Corpuz para mapasok nila ang expanded STL? Boom Panes! Anong sey n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na pinagtatawagan ng miyembro ng PMA Class ’82 sina NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde, Calabarzon police director Chief Supt. Mao Aplasca para ipahinto na ang bookies ng illegal gambling sa nasasakupan nila. Siyempre, kasamang pinagtatawagan ng retiradong police official, na kilalanin nating si Gen. Tsunami, ang mga provincial at district directors, ang mga chief’s of police at precinct commander. Nagbabanta si Gen. Tsunami na ipare-relieve niya ang sinumang police official na hindi susunod sa kautusan niya. Boom Panes! Ayon sa mga kosa ko, very powerful si Gen. Tsunami dahil kahit ang classmate n’ya na si Corpuz ay takot sa kanya. Si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa kaya, takot din kay Gen. Tsunami? Kung sabagay, senior si Gen. Tsunami at nakatrabaho rin niya si Dela Rosa kaya “may pinagsamahan sila,” di ba mga kosa? Hehehe! Magkatotoo kaya ang pagyayabang ni Gen. Tsunami na ang PMA Class ’82 na ang mag-takeover ng illegal gambling sa Metro Manila at Visayas? Tanong lang po!

Bilang tugon sa kagustuhan ni Gen. Tsunami, miniting ni Sr. Supt. Randy Peralta, ang Batangas provincial director, ang kanyang mga police chief at binalaan silang ire-relieve kapag may bookies ng illegal gambling sa kanilang hurisdiksiyon. Sa pagkaalam ko mga kosa, nagsumite ng P124 milyon na PMRR ang isang mi­yembro pa ng PMA Class ’82 na si Gen. Dado kay Corpuz subalit sa kasamaang palad nag-right to match itong gambling lord na si Cesar Reyes sa halagang P125 milyon kaya’t nanatili sa huli ang prankisa ng STL sa Batangas. Kaya’t kahit magyabang pa itong tropa ni Gen. Tsunami, maaring mabokya rin sila sa Metro Manila at Visayas kapag nag-right to match din ang mga gambling lords doon, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa totoo lang, walang namang kapabilidad ang PMA Class ’82 na patakbuhin ang expanded STL dahil maaring may kapitalista sila subalit ang mga tauhan sa baba ay wala sila. Di rin nila abot ang pagpatakbo ng illegal gambling. Kaya sa ngayon, naghahanap ng mapagkatiwalaang tao itong PMA Class ’82 para patakbuhin ang expanded STL nila kaya lang walang gustong tumanggap sa mga alok nila. Bakit? Kasi ang katwiran ng mga nagpapatakbo ng illegal gambling, baka pagpagin din sila kapag natutunan na ng PMA Class ’82 ang mga alituntunin kung paano patakbuhin ang STL, kasama na ang bookies nito. Hak hak hak! Akala nitong grupo ni Gen. Tsunami ay maisahan nila ang mga nagpapatakbo ng STL eh laking kalye ang mga ito, di ba mga kosa?

Kung sobrang buwenas ng PMA Class ’82, aba mabulilyaso sila kapag nasilip ni Digong na ginawa nilang negosyo itong expanded STL at pati si Corpuz ay mapremyuhan tulad ni Int. Sec. Mike Sueno. Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with