^

Punto Mo

Pusang nawala higit 2 taon na ang nakakaraan, natagpuan 4,827 km mula sa kanyang tahanan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pusa na nawala sa California higit dalawang taon na ang nakakaraan ang muling natagpuan sa Canada, na ilang libong kilometro ang layo mula sa kanyang tahanan.

Ibinalita ng pahayagang San Francisco Chronicle ang pagkawala ng pusang si BooBoo noong August 2014 sa tahanan nito sa Watsonville, California.

Matapos ang dalawa’t kalahating taon ay natagpuan muli ang pusa sa timog na bahagi ng Canada na 4,827 kilometro ang layo mula sa kanyang tahanan.

Ngunit sa layo ng kanyang nilakbay ay hindi raw aakalaing pusang kalye si BooBoo nang dumating ito sa Guelph Humane Society sa Ontario, Canada.

Nasa mabuti raw na pangangatawan ang pusa ayon sa Humane Society Executive Director na si Adrienne McBride.

Tumaba pa nga raw si BooBoo ayon kay McBride at mukhang kailangan na nitong magbawas ng timbang kapag ito’y nakauwi na.

Palaisipan naman kung paano nakapaglakbay ang pusa ng higit sa 4,000 kilometro at nakarating ng Canada.

Maari raw na nakiangkas ang pusa sa mga dumadaang sasakyan ayon sa amo ni BooBoo na si Ashley Aleman. Mahilig raw kasi ang alaga niyang tumalon papunta sa loob ng mga kotse.

Nakumpirmang ang alaga nga niyang si BooBoo ang natagpuang pusa sa Canada sa pamamagitan ng nakabaon na microchip sa balat nito.

Ihahatid naman ang pusa ng mga animal protection officers pabalik ng Estados Unidos.

vuukle comment

PUSANG NAWALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with