^

PSN Palaro

Pacquiao-Khan fight kanselado na--Arum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagulat si veteran pro­moter Bob Arum nang malaman na pumayag si Manny Pacquiao na labanan si British star Amir Khan sa United Arab Emi­rates para sa premyong $38 milyon na ipinangako ng isang investment group.

Pinaalalahanan ng Top Rank Promotions chief ang Filipino world eight-division champion na mag-ingat sa nasabing pangako ng isang grupo mula sa UAE.

Ngunit kahapon ay inihayag ni Arum na hindi na matutuloy ang bakbakan ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) at ng 30-anyos na si Khan (31-4-0, 19 KOs).

Nakatakdang dumating si Michael Koncz, ang Canadian adviser ni Pacquiao, sa Pilipinas para personal na ibalita sa Filipino boxing superstar na panaginip lamang ang pangakong $38 milyon ng isang UAE investment group.

“Michael is on his way back to meet with Manny but it’s caddish for the UAE deal. It’s dead,” wika ni Arum sa panayam ng ESPN. “I’m talking to him about another proposal for another fight, not Khan. Khan won’t be Manny’s next opponent.”

Nauna nang nagbabala si Arum kay Pacquiao na huwag basta-basta kumagat sa nasabing alok ng UAE investment group.

Ngunit si Koncz ang nagpursige kasunod ang paghahayag nina Pacquiao at Khan ng kanilang laban sa social media.

Bago ito ay sinabi ni Arum na ilalaban niya si Pacquiao, ang World Boxing Organization welterweight champion, kay Australian No. 1 contender Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) na maaaring gawin sa Brisbane, Australia.

Premyong $5 milyon la­­mang ang inilatag ng pro­moter ng 28-anyos na si Horn kaya naghanap sina Pacquiao at Koncz ng mas ma­laking laban. (RC)

vuukle comment

BOB ARUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with