^

PSN Showbiz

Jim Paredes kontrabidang-kontrabida sa EDSA!; Xia nalason sa spaghetti!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Dinala sa ospital ang child star na si Xia Vigor dahil nakakain siya ng panis na spaghetti. Napapanood si Xia sa Your Face Sounds Familiar at Langit Lupa ng ABS-CBN.

SCENE: Nag-celebrate kahapon si Gladys Guevarra ng 40th birthday niya sa Sunday PinaSaya. Malungkot si Gladys dahil may problema sila ng boyfriend niya.

SEEN: Halata na kinikilig at may pagtatangi si Barbie Forteza kay Ivan Dorschner, isa sa mga kapareha niya sa Meant To Be. Hindi maitago ni Barbie ang pagkagiliw niya kay Ivan.

SCENE: Nadagdagan ang mga batikos at panunuya kay Jim Paredes dahil ikinumpara niya ang kanyang ginawa sa EDSA rally noong Sabado sa kuwento ng pagwawala ni Jesus Christ dahil hindi iginalang ng mga tao ang templo.

SEEN: Kontrabidang-kontrabida si Jim Paredes na tinawag na irrelevant dahil sa pangungutya at sermon niya sa mga youth supporter ni President Rodrigo Duterte sa EDSA rally noong Sabado. Tinawag ni Jim na duwag ang mga pro-Duterte youth protester pero iniligtas niya ang sarili nang magsimula ang kaguluhan.#SinoNgayonAngDuwag?

SCENE: Ang reunion dinner nina Jackie Forster, Sunshine Cruz, at Karla Estrada sa isang restaurant sa The Fort noong Sabado. Magkasabay na ipinakilala sina Jackie, Sunshine, at Karla bilang Regal babies 1992 sa pelikulang First Time, Like a Virgin.

SEEN: Nangingibabaw ang pagiging fan sa ilang mga entertainment blogger na biglang naging blogger dahil sa kagustuhan na makilala ang kanilang mga hinahangaan na artista. Sila ang madalas na nauuna na dumarating sa mga presscon para makakuha ng upuan na malapit sa mga artista at sinasamantala nila ang photo op.

vuukle comment

XIA VIGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with