^

Police Metro

Simple ang ginawang pagdiriwang ng EDSA People’s Power

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginawang simple pero naging makabuluhan ang ginanap na selebrasyon kahapon ng pagdiriwang ng ika-31 taong anibersaryo ng EDSA People’s Power Revolution 1 na ginanap sa grandstand ng Camp Aguinaldo.

Sinabi ni Senador Gregorio “Gringo” Honasan na hindi na makabubuti na magdaos pa ng magarbong selebrasyon  sa EDSA 1 na  malaking pondo ang ginugugol ng pamahalaan dahilan maraming mga Pinoy ang naghihirap.

Dumalo rin sa selebrasyon ang mga key players ng EDSA 1 ang noo’y si dating AFP Vice Chief of Staff at dating Pangulong si Fidel Ramos, dating Senate President Juan Ponce Enrile, ilang mga opisyal ng pamahalaan at iba pa.

Sinabi ni Honasan na mahalagang gunitain sa kasaysayan ang nakamit na demokrasya ng bansa mula sa diktaturyang rehimen ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Pebrero 25, 1986 dahilan hindi na ito maagaw ng sinuman.

Sinabi rin ni Honasan na tulad sa palasyo ng Malacañang ay nararapat na mag-move on na ang mga Pinoy sa naging karanasan  sa Edsa People Power Revolution  dahilan mas mahalaga na harapin ang mga problema ng lipunan sa kasalukuyan.

Ayon naman kay Enrile hindi na dapat pang mistulang piyesta ang selebrasyon ng EDSA at mas mabuti na simple na lamang ito dahilan panahon na para mag-move on.

vuukle comment

GREGORIO “GRINGO” HONASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with