^

Police Metro

Pangingidnap ng Abu Sayyaf, nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabigo ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa gagawin sanang pagkidnap sa isang sasakyang pandagat na kanilang hinarang matapos na sila ay masilat ng mga elemento ng Philippine Navy sa karagatan ng Tawi-Tawi, kamakalawa.

Sa ulat ni Rear Admiral Rene Medina Commander ng Naval Forces Western Mindanao, dahilan sa mabilis na pagreresponde ng kaniyang mga tauhan na nagsasagawa ng maritime patrol ay naitaboy ang limang armadong bandido na sakay ng speed boat.

Ayon sa opisyal, tinangka ng mga bandido na atakehin ang M/V Dong Hae Star  upang dumukot ng panibagong mabibihag ng mga ito.

Nabatid na ang Panamian flag ship M/V Dong Hae Star ay patungong Sulu Sea galing sa China patungong Indonesia nang harangin ng mga bandido na lulan ng kulay itim na speedboats.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with