^

Police Metro

Parusa itaas sa testigong nagsisinungaling

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa paglutang ng dating pulis na si SPO3 Arthur Lascañas at bumaligtad sa nauna niyang testimonya sa Senado ay isinulong ni Kabayan Rep. Harry Roque ang isang panukalang batas na nagtataas sa parusa sa mga nagsisinungaling na testigo sa Kongreso.

Sa House Bill 5112 itinataas sa anim hanggang walong taon ang kulong ng sinumang mapapatunayang testigo na nagsisinungaling sa Kongreso.

Anya, masyadong mababa ang kasaluku­yang parusa sa ganitong paglabag na anim na buwan at isang araw lamang na kulong at maaari pang mag probation kaya lalabas na wala rin itong kulong.

Kailangang managot ang mga nagsisinu­ngaling sa kanilang mga proseso sa Mababa at Mataas na kapulungan ng kongreso dahil hindi maaaring tetestigo sa kanila subalit lantaran naman ang pagbaluktot ng katotohanan.

Matatandaan na si Lascanas ay dating nagdeklara na walang Davao Death Squad o DDS bilang pagbulaan sa testimony ni Edgar Matubato, subalit noong Lunes ay binawi nito ang naunang testimonya sa Senado sa pamamagitan ng public confession na totoo ang DDS at ang paggamit dito ni Pa­ngulong Duterte sa mga insider ng pagpatay.

vuukle comment

ARTHUR LASCAñAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with