^

Pang Movies

Eddie Garcia hindi pa rin kayang magtrabaho!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Obviously, hindi pa gaanong magaling, Salve A., si Eddie Garcia sa aksidente niyang pagkakahulog habang paakyat ng kanyang sasakyan pagkatapos niyang dumalo sa party last December, organized by Dreamscape Entertainment head, Deo Edrinal sa isang private subdivision in the suburbs for the stars, production staff and crew, ng mga show na ipinu-produce niya sa ABS-CBN kasama na ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Kahit na si Coco Martin ang bida sa nasabing serye, matindi ang role ni Eddie, dahil siya ang pinuno ng sindikato na minamanmanan ni Coco bilang Sgt. Cardo Dalisay.

Mag-ama ang role nina Eddie at Agot Isidro na may anak naman na isang corrupt PNP (Philippine National Police) na ginagampanan ni Arjo Atayde.

Well, hanggang ngayon ni “anino” ni Eddie ay hindi pa nasisilayan sa series.

Thank God that Eddie was able to finish all his scenes in the movie, Tatlong Bibe, produced by Regis Films and Entertainment, which is owned by Mrs. Anicia Joson-Regis.

Bida naman sa Tatlong Bibe sina Marco Masa na nagbida sa Nathaniel; Raikko Mateo na gumanap din na Honesto sa teleseryeng may ganunding pamagat, at Lyca Gairanod, na naging champ sa The Voice Kids.

Directed by Joven Tan, guess kung sino ang gumaganap na leading lady ni Eddie?

Ang mommy, no less, ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, si Dionisia Pacquiao.

March 1 ang playdate ng Tatlong Bibe.

Devon natakot sa sariling pelikula

Si Direk Jason Paul Laxamana, na namahala ng box office hit na produksyon ng Star Cinema na Third Party, na pinangunahan nina Sam Milby, Angel Locsin at Zanjoe Marudo, ang inatasan ng Regal Entertainment, Inc. na mamahala ng kanilang malapit nang ipalabas na horror movie, ang Pwera Usog.

Pangalawang pelikula na itong idinirek ni Direk Paul sa Regal Entertainment dahil siya rin ang namahala ng Love Is Blind, na ang mga artista namang gumanap ay sina Derek Ramsay at Kiray Celis.

Ganun pa man, ito raw Pwera Usog ang pwede niyang ituring na pinaka-challenging na assignment na kanyang ginawa.

Siya raw ang nagsulat ng story at script at ang order sa kanya nina Mother Lily at Roselle Monteverde ay gawin itong talagang nakakatakot at nakakasindak.

“Sa totoo lang,” ani Sofia Andres, na isa sa tatlong bidang babae (ang dalawa pa ay sina Devon Seron at Cherise Castro). “Kinilabutan ako habang pinanonood ko ang rushes ng pelikula prior to my  dubbing.

“At habang nagtatagal, takot na ang naramdaman ko. Na siya rin palang naramdaman nina Devon at Cherise. Ganun din ng iba pang cast ng pelikula.”

Opening March 8 in theaters nationwide, Pwera Usog also stars Joseph Marco, Albie Casiño, Kiko Estrada, plus veteran performers Aiko Melendez at Eula Valdez.

 Of Albie (Casiño), he looks good, Salve A., obvious na nakahinga na siya ng maluwag, since napatunayan niyang hindi nga siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann, ang malapit nang mag-limang taong gulang na si Ellie.

Buong giting na inamin ni Jake Ejercito, na siya ang ama ni Ellie.

Jake, of course, is former actress Laarni Enriquez son by former Pre­sident and now Manila Mayor Joseph Estrada.

vuukle comment

EDDIE GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with