^

Pang Movies

Pirated Pinoy movies talamak sa Facebook

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

True ang tsismis na napapanood sa Facebook ang mga Pinoy movie.

Ang sabi ng source ko, malinaw na malinaw ang Die Beautiful nang mapanood nila ito kahapon sa Facebook.

Ang Die Beautiful ang award winning movie ni Paolo Ballesteros na bukod sa available sa Facebook, may mga pirated DVD copies na mabibili sa palengke.

Patindi nang patindi ang piracy ng mga pelikula sa social media. Wish ko lang, may solusyon ang mga kinauukulan sa lumalala na problema sa pamimirata sa local movies dahil malaki ang epekto nito sa local movie industry.

Cong. Alfred tutulungan ang mga namatayan

Hindi naman nagpapabaya ang BestLink College of the Philippines dahil tinutulungan nila ang mga biktima ng bus accident sa Tanay, Rizal noong Lunes.

Nagkaroon lang ng isyu nang sabihin ng isang bossing ng school na tila may pulitika na nangyayari dahil marami na ang nakikisawsaw sa isyu.

Hindi malinaw kung anong klase ng pulitika ang tinutukoy ng school official pero sure ako na walang halo na pulitika ang pagtulong sa mga biktima ni Congressman Alfred Vargas.

Sad si Alfred dahil mga residente ng distrito niya ang mga biktima ng trahedya. Nakausap na niya kahapon ang pamilya ng siyam sa mga estudyante na nasawi kaya nalaman na niya ang kuwento tungkol sa fieldtrip at camping na nauwi sa masaklap na pangyayari.

Una si Andi, ngayon si Jennylyn… Bret mga nanay ang trip

Kilig na kilig si Bret Jackson dahil sinagot ni Jennylyn Mercado ang Valentine’s day greeting niya.

Crush na crush pala ni Bret si Jennylyn kaya nawindang ang binata nang bigyan siya ni Jennylyn ng atensyon.

‘Yun  nga lang, taken na si Jennylyn dahil in love na in love siya kay Dennis Trillo na nagsabi naman na busog na busog ang status ng lovelife niya.

Hanggang paghanga na lang kay Jennylyn ang puwedeng gawin ni Bret na tila weakness ang mga single mother dahil na­ging dyowa niya noon si Andi Eigenmann.

aktres twice nang nahiwalay sa bf, nakahanap na ng bagong dyowa

Impossible dream nang magkabalikan ang showbiz couple na naghiwalay dahil may iba nang boyfriend ang aktres.

Walang kinalaman sa showbiz ang bagong karelasyon ng aktres pero  single siya.

At dahil private citizen ang mhin, malaya sila na nakakapag-date ng aktres sa mga lugar na maraming tao.

Hindi ako sure kung may lovelife na rin ang aktor na former husband ng aktres. Dati na silang naghiwalay pero nagkabalikan kaya hindi totoo sa kanila ang kasabihan na love is lovelier the second time around.

vuukle comment

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with