^

Punto Mo

EDITORYAL - Sibakin na lang!

Pang-masa
EDITORYAL - Sibakin na lang!

HINDI epektibo ang kautusan ni President Rodrigo Duterte na ang mga pulis na may mga kaso ay itatapon sa Mindanao particular sa Basilan para aniya masuweto ang mga ito o magkaroon ng aral. Para kasing ang Basilan ay isang lugar na pugad ng mga bandidong Abu Sayyaf kaya doon nararapat ang mga nagkasalang pulis.

Mali naman ang kautusang ito sapagkat bukod sa pinabababa ang pagtingin sa Basilan ay bakit kaila­ngang ilipat pa ang mga pulis na may kasalanan. Di ba mas maganda kung sibakin na lang sa puwesto ang may kasalanan at tapos na ang career nila. Nagkasala sila kaya dapat lamang alisin o kasuhan sa korte. Huwag nang tapon-tapon pa sapagkat hindi naman ito makakatulong sa pagreporma sa pulis. Ang mga pulis na walanghiya kahit saan dalhin ay walanghiya talaga. Nasa buto na nila ang kasamaan. Isa pang masama sa pagtatapon sa mga nagkasalang pulis ay baka sa lugar pang pagdalhan magkalat ng lagim.

Noong Lunes ay dinala na sa Basilan ang mga pulis na may kaso  gaya ng kidnapping, extortion, robbery at “15-30” o mga pulis na nagrereport lamang kung a-kinse at a-treinta. Nasa 217 ang mga pulis na dadal­hin sa Basilan pero 36 lamang ang sumipot. Ayon sa report, maaaring nag-AWOL na ang mga pulis na dadalhin sa Basilan. Sabi ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ang hindi pagsipot nang mga pulis na dadalhin sa Basilan ay pagpapakita lamang ng hindi magandang pag-uugali. Pagpapaliwanagin umano ang mga pulis kung bakit hindi sila duma­ting. Kapag hindi pa sila dumating, idedeklara nang AWOL ang mga pulis.

Dapat noon pa, kinasuhan at sinibak na ang mga pulis at hindi na binalak pang dalhin sa Basilan. Wala nang magagawa sa mga pulis na ito kundi alisin sa serbisyo. Magdudulot lamang sila ng panibagong batik sa PNP.  Baguhin ang patakaran na itatapon sa malayong lugar ang mga nagkasalang pulis.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with