^

PSN Showbiz

Ejay pinipilit ‘wag mabuntis ang gf!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa raw sumasagi sa isip ni Ejay Falcon ang pag-aasawa. Kasintahan ngayon ng aktor ang non-showbiz personality na si Jana Roxas. Nag-iingat daw talaga si Ejay upang hindi mabuntis ang dalaga.

“Wala pa sa isip ko ‘yan. Trabaho lang muna. Saka girlfriend-girlfriend lang muna. Pipilitin kong hindi (mabuntis). May mga paraan naman eh,” bungad ni Ejay.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay pangarap daw ng binata na makapagtapos muna ng pag-aaral bago lumagay sa tahimik.

“Siguro in three years babalik ako sa school. Gusto ko graduate na muna ‘yung isang kapatid kong babae. Second year na siya eh, pagka-graduate niya, ako naman. Inuna ko muna sila eh. Kailangang maka-graduate muna sila, tapos ako. Iniisip kong mag-Business Management. Iniisip ko rin ‘yung Political Science, pero baka Business na rin lang,” pagbabahagi ni Ejay.

“Kung kaya talaga ng oras ko, iba pa rin ‘yung pumupunta talaga sa school para maramdaman mo na estudyante ka. Pero siyempre, hindi mo naman magagawa ‘yon habang nag-aartista ka. Siguro school and then sa bahay minsan. May mga open university na rin naman ngayon na pwede kong pasukan. Basta gusto ko pong mag-aral at pipilitin kong gawin ‘yon para sa future ko,” dagdag ng aktor.

Naniniwala si Ejay na malaki ang magagawa ng edukasyon para sa kanyang pagkatao at para na rin sa kinabukasan.

“Kahit kumikita ka na kasi iba pa rin ‘yung nabibigay na kaalaman sa eskwelahan. Saka may mga bagay na hindi mo matututunan sa showbiz, na ibang tao ‘yung magsasabi sa ‘yo, ibang teachers mo, libro. Iba talaga ‘yung nag-aaral  ka eh. Alam ko sa sarili ko ‘yan, na kailangan kong mag-aral. Ang dami kong hinahanap na dapat ko pang matutunan na hindi ko natututunan sa industriya ng showbiz,” makahulugang pagtatapos ng aktor.

Lyca nahihirapang manggaya

Masayang-masaya si Lyca Gairanod dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na siya sa isang pelikula. Kasama ng batang aktres sina Raikko Mateo at Marco Masa sa Tatlong Bibe.

“Siyempre happy po ako. Kasi bukod po sa pagkanta ko, na-discover na din po ako na umaarte rin po ako,” nakangiting pahayag ni Lyca.

Isa ang singer sa walong contestants ng Your Face Sounds Familiar Kids na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya network.

Ayon kay Lyca ay talagang nahihirapan siya sa lahat ng kanyang ginagawa para sa nasabing programa.

“Sobrang hirap din po manggaya. Kasi may mga technique rin po sila na kailangan matandaan, and always po dapat galingan tuwing performance and tuwing episode. Para maging maganda po ang reaksyon ng audience at judges po,” pagtatapat ni Lyca.

Kahit nagkakalaban linggu-linggo ay hindi naman daw niya nararamdaman na mayroong kompetisyon sa kanilang mga contestants.

“Wala po, kasi nag-e-enjoy lang po kaming lahat at parang naglalaro lang po kami sa buong show. Hindi din po namin iniisip na naglalaban-laban kami. Lahat po kasi magaling. Wala po akong masasabi na mas magaling pero nag-e-enjoy po ako panoorin si Awra po. Kasi nakakatuwa po talaga siya at nakakatawa siyang kasama,” giit pa niya.

vuukle comment

EJAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with