^

Probinsiya

Drug store pinasok: P1-M natangay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Philippines –  Aabot sa P1 milyong halaga ng pera, cell phone at gadgets ang natangay ng mga ‘di ki­lalang kawatan nang pasukin ang isang tindahan sa Gapan City noong Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni P/Sr. Supt. Antonio Yarra, provincial police director, ang biktima na si Gloria Mercado, 50, negos­yante at may-ari ng STM Drug Mart at nakatira sa Brgy. San Roque, Cabiao, Nueva Ecija. Mag-uumaga umano nang pasukin ng mga nakamaskarang lalaki ang STM Drug Mart na nasa Tinio St., Brgy. Sto. Niño, Gapan City at agad na pinuntirya ang lagayan ng mga ibinebentang mga cellphone at gadgets. Na mabilis nilang nilimas bago nagtungo sa ikalawang palapag at doon ay binuksan ang vault sa pamamagitan ng crowbar. Nakuha ng mga suspek ang P800,000 cash na sales ng drugstore at may P200,000 ang halaga ng cell phone and gadgets. Nadiskubre ng isang empleyado ang panloloob sa STM nang mapansing wala na sa ayos ang stall. 

 

vuukle comment

ANTONIO YARRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with