^

Pang Movies

Vhong sa ere planong mag-propose!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Biglang na-pressure si Vhong Navarro sa planong back-to-back na pagpapakasal ng itinutu­ring niyang kapatid na sina Anne Curtis at Billy Crawford kaya naman hindi maiiwasan na kulitin si Vhong kung kailan siya magpaplanong magpakasal.

Wala namang ing­git si Vhong kina Anne at Billy dahil happy siya sa desisyon ng da­lawa. Masaya siya na ma­tutupad ang pangarap nina Anne at Coleen Garcia na makasal soon. Bilib din si Vhong kina Billy at Erwan Heussaff na alam niyang malaki ang haharaping responsibilidad sa kanilang pag-aasawa.

Aminado si Vhong sa isang interview na si­gurado na siya na darating sila ng kanyang nobyang si Tanya sa ganoong level. Naghihintay lang ng tamang timing si Vhong. Nagkataon lang daw na may dapat muna siyang asikasuhing bagay. 

Promise ni Vhong na mag-iisip siya ng sarili niyang style kung anong pasabog ang gagawin niya sa pagpu-propose. Para raw kakaiba kahit pa para lang sa kanilang dalawang magdyowa ang ganung moment.

Nagbiro pa si Vhong na baka skydiving ang maisip niyang gimik para walang katulad ang gagawin niyang proposal sa longtime GF.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with