^

Probinsiya

Pusher arestado sa P14.8-M shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang 53-anyos na sinasabing big time drug pusher  makaraang makumpiskahan ng P 14.8 milyong halaga ng shabu  sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Pasil, Cebu City sa Cebu kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Melchor Ocarol, nasa drug watch list ng pulisya bilang high-value target at kapatid ni dating Barangay Pasil Chairman Romeo Ocarol. Sa ulat ng Cebu City PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-2 ng madaling araw nang  magsagawa ng operasyon ang Cebu City Police Office laban sa suspek. Narekober mula sa bahay ni Ocarol na nagsisilbing drug den ang mga plastic na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 1,255 kilo na nagkakahalaga ng P14.809.000 milyon. Samantala, wala ring inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

vuukle comment

DRUG PUSHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with