^

Punto Mo

EDITORYAL - Prusisyon ng patay ibabawal na

Pang-masa
EDITORYAL - Prusisyon ng patay ibabawal na

MATINDI ang trapik sa Metro Manila at lalo pang lulubha ngayong papalapit na ang Christmas season. Maraming magsa-shopping kaya ang mga kalsadang nasa paligid ng malls ay tiyak na magsisikip sa trapik. Nakakadagdag sa trapik ang mga paghuhukay sa kalsada at mga ginagawang constructions (skyway, flyover at iba pa).

Maraming naiisip na paraan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para masolusyunan ang trapik sa Metro Manila. Una nang pinanukala ang pag-aalis ng “no window policy” sa ilang piling lansangan sa Metro gaya ng EDSA, Roxas Blvd, C5 at iba pang major routes. Bukas, palalawakin na ang sakop na mga kalsada sapagkat tagumpay daw ang “no window policy”. Maaari raw gawing permanente na ang “no window policy”.

Isa pa sa mga naisip na paraan ng MMDA ay ang pagbabawal sa prusisyon ng patay. Nakaugalian na ang pagprusisyon ng patay patungo sa sementeryo. Ang pagprusisyon ay nagdudulot nang grabeng trapik sapagkat mabagal ang usad nito. Kapag ang prusis­yon ang nasundan ng motorista, tiyak na aabutin ng ilang oras bago malampasan ito dahil marami ang nakikipagprusisyon.

Isa pa sa binabalak ipagbawal ng MMDA ay ang student driving sa mga major roads. Nagdudulot ng trapik ang mga nag-aaral ng pagmamaneho sapagkat laging namamatayan ng makina o kaya naman ay bumabalandra sa kalsada lalo pa sa U-Turn slot.

Tama lamang ang naisip ng MMDA na pagbabawal sa prusisyon ng patay at student driving. Makakatulong ito para mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

Isa pang dapat gawin ng MMDA ay ang pagtanggal sa mga basketbolan sa kalye. Maraming kalsada ang ginagawang basketbolan at hindi magamit ng mga motorista. Alisin din ang mga nakaparadang bulok na sasakyan sa mga kalye. Kapag naipatupad ito, maaaring lumuwag na ang mga kalsada at hindi na kailangan ang emergency power na hinihingi para kay President Digong.

vuukle comment

CHRISTMAS SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with