^

Bansa

Guidelines sa iisang ‘chain of command’, sa batas trapiko, binalangkas na ng I-ACT

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang kalituhan ng mga motorista, binalangkas ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang  guidelines o panun­tunan para sa ilalim ng nag-iisang “chain of command” na lamang sa pagpapatupad ng batas trapiko sa buong Metro Manila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kamakalawa ay nagkaroon sila ng workshop sa Camp Crame, kasama ang local  government unit (LGU), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) at PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Isa sa panguna­hing agenda ay kanilang binalangkas  ang  guidelines o panuntunan na dapat iisa na lamang ang “chain of  command” sa pagpapatupad ng batas trapiko.

Ito ay base sa napagpasyahan ng mga Metro mayors  hinggil sa nagkakaisang mga ordinansa na may kaugnayan sa multa at karam­patang parusa upang hindi malito ang mga motoristang mahuhuli.

Dahil kadalasan ani­ya ay nalilito ang motorista sa magkakaibang ordinansang pinatutupad ng bawat pamahalaang lokal na may kinalaman sa trapiko.

Kabilang din sa mga pinag-usapan sa workshop ay ang pagpapaigting ng mahigpit  na kampanya kontra colorum at illegal parking.

Sa tala ng I-ACT, mula Hulyo 6 hanggang Oktubre 26, 2016, nasa  236 colorum na sasak­yan ang kanilang nahuli, 5,696 ang hinatak at nasa   2,330 vendors ang itinaboy at 25, 635 traffic violation tickets ang naisyu ng I-ACT sa mga violator.

Samantala, nakipag-partner naman ang MMDA sa Waze, isang mobile application para makatulong sa mga motoristang maiiwasan ang mga lugar na matrapik.

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with