^

PSN Palaro

Austria, iba pa gagawaran ng award ng PBAPC ngayon

Pilipino Star Ngayon
Austria, iba pa gagawaran ng award ng PBAPC ngayon
San Miguel coach Leo Austria

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon ay igagawad kay Leo Austria ng San Miguel ang Virgilio ‘Baby’ Dalupan Coach of the Year trophy mula sa PBA Press Corps sa pagdaraos ngayon ng Annual Awards Night sa Gloria Maris Restaurant sa loob ng Gateway Mall sa Araneta Center.

Ibinangon ni Austria ang Beermen mula sa 0-3 pagkakabaon sa Alaska Aces para angkinin ang 2016 PBA Philippine Cup.

Si Austria ang ikatlong coach na nanalo ng nasabing award sa dalawang sunod na season matapos sina Chot Reyes noong 2002 at 2003 at Perry Ronquillo noong 1998 at 1999.

Ang pang alas-7 ng gabing event ay inihahandog ng CIGNAL at pamamahalaan nina Rizza Diaz at Quintin Pastrana bilang hosts, habang si Congressman at inco­ming league chairman Mikee Romero ang tatayong spe­cial guest of honor.

Ang Coach of the Year award ay ipinangalan sa kanya simula nang ilunsad ang taunang event noong 1993.

Samantala, ibibigay naman kina Rain or Shine co-owners Raymund Yu at Terry Que ang Danny Flo­ro Exe­cutive of the Year award para sa pananatili ng ka­ni­lang prangkisa bilang top contender at napagharian ang Commissioner’s Cup.

Ito ang ikalawang Executive of the Year trophy nina Yu at Que matapos noong 2012.

Ang iba pang two-time winner ng award, ipinangalan sa namayapang team owner ng Crispa Redmanizers na si Danny Floro, ay sina Elmer Yanga, Wilfred Uytengsu, ang namayapang si PBA commissioner Jun Bernardino, Buddy Encarnado at Manny V. Pangilinan.

Si San Miguel Beer guard Chris Ross, ang PBAPC finals MVP sa all-Filipino Conference, ang Mighty Sports Defensive Player of the Year sa event na suportado ng Chancellor bilang official outfitter.

Tatanggapin ni second year Rain or Shine guard Jericho Cruz ang Mr. Quality Minutes, habang si Paul Lee, ang PBAPC Commissioner’s Cup finals MVP, ang tatanggap ng William ‘Bogs’ Adornado Comeback Player of the Year.

Ang iba pang awards na ipapamahagi ay ang ACCEL All-Rookie team na binubuo nina Chris Newsome, Troy Rosario, Scottie Thompson, Art dela Cruz at Maverick Ahanmisi, ang ACCEL Order of Merit na mapupunta kay Jayson Castro, ang Scoring Champion trophy para kay Terrence Romeo at ang pagbabalik ng All-Interview Team na kinabibilangan nina coach Yeng Guiao, Arwind Santos, Jimmy Alapag, Asi Taulava, Lee at LA Tenorio, ang PBAPC finals MVP ng katatapos na Governors Cup.

vuukle comment

LEO AUSTRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with