^

Bansa

6 tiklo sa bentahan ng droga

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Anim-katao kabilang ang da­ting pulis ang nasakote sa inilatag na buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Bocaue at San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Arman “Jay-Ar” Alcoriza, Yollybie Principe, Vivian Francisco, Gervie Francisco, isang 16-anyos na pawang nakatira sa Sitio Arch of Noah, Brgy.Taal sa bayan ng Bocuae; at si  ex-PO2 Edgar Cruz ng Barangay Muzon sa San Jose del Monte City.

Base sa police report na isinumite kay P/Supt. Charlie Cabradilla, unang nasakote si Arman sa buy-bust operation habang ang apat naman ay naaktuhan sa pot session sa Barangay Taal sa bayan ng Bocaue.

Samantala, si ex-PO2 Cruz naman ay naaresto sa Barangay Muzon kung saan nasamsam ang 5 plastic sachet ng shabu, cal. 45 pistol na walang papeles, at P500 cash na marked money. Narekober naman sa limang drug suspek ang 11 plastic sachet na may shabu, ilang drug paraphernalia, at ang P500 marked money.

 

vuukle comment

VIVIAN FRANCISCO

YOLLYBIE PRINCIPE

ARMAN “JAY-AR” ALCORIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with